Juday and Ryan, to be wed this April?

MARAMI NA ANG nag-aabang ng kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil ang duda ng karamihan, ngayong buwan ng Abril na raw ito gagawin.

Humingi nga kasi ng bakasyon ang dalawa at babalik na raw sila sa taping ng bagong sitcom/teleserye nina Juday sa buwan ng Mayo.

Nagsu-shooting naman ngayon si Juday ng pelikula nila ni Ogie Alcasid, kaya tingnan na lang natin dahil sasabihin naman daw nila kapag dumating na ang araw na ‘yun.

Ang ibang close friends nga nila na imbitado sa kasal, sinabihang maghanda na lang dahil makakarating daw ang imbitasyon isang araw bago ang kasal.

Nang kinausap ng Startalk reporter namin ang Mommy ni Judy Ann na si Carol Santos, inamin naman nitong alam na niya kung kalian ang kasal pero hindi niya siyempre sinabi. Basta in-assure naman daw ni Juday na mabibigyan ng footage at mga litrato ang media dahil gusto naman nilang i-share ito sa lahat. Ayaw lang kasi nilang magkagulo sa araw mismo ng kasal.

Sabi ni Mommy Carol, basta malayo raw ang lugar ng pagkakasalan nila. Hindi nga raw niya alam kung paano nakita ng dalawa ang luigar na iyon.

Darating din pala ang ama ni Judy Ann galing Amerika para ihatid sa altar ang kanyang anak. Kahit labag sa kalooban ni Mommy Carol na makita ang dating dyowa, tatanggapin daw niya ito alang-alang sa mahalagang araw ng kanyang anak.

Na-korner nga si Ogie sa presscon ng bagong programa nila ni Michael V na Hole in The Wall, nakalusot ito sa pangungulit ng mga reporter dahil naka-character ito na batang si Angelina kaya ayaw raw niyang magsalita. Hindi raw marunong magsinungaling ang mga bata.

Tapos na ang bahay na pagtitirhan nina Juday at Ryan kaya talagang malapit na nga silang ikasal, dahil doon na sila tutuloy pagkatapos ng kasal.

SARI-SARI ANG REAKSIYON mula sa mga malalapit na kaibigan ni Lani Mercado nang nalaman nilang balak nitong tumakbo sa darating na eleksiyon.

Nu’ng nakaraang birthday niya, halatang may balak dahil talagang ibinuhos niya ang buong araw nito sa mga taga-Bacoor.

Sabi naman ni Lani, ngayong 41 na siya, ipinagdarasal daw niya sa Diyos kung ano ang plano nito sa kanya. Kung may bagong daan siyang tatahakin, ibigay na ito sa kanya para mapaghandaan na niya.

Ito na nga siguro ang pulitika kaya medyo pahinga muna siya sa showbiz pagkatapos niyang mag-taping sa Zorro, dahil ang dami niyang aasikasuhing mga proyekto sa Bacoor.

Binigyan pa si Lani ng bagong responsibilidad at tinanggap na nito ang matagal nang alok sa kanya na pamunuan ang CITEM.

Kailangan daw ng sapat na oras na asikasuhin ito kaya pansamantalang lie-low muna siya sa showbiz. Okay lang daw kung mga guestings sa TV, pero kung regular show na halos araw-araw ay nagti-taping, mukhang hindi na niya ito kakayanin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Juday and Ryan, to be wed this April?

  1. ewan sa iyo juday, baka sa loob ng bunganga ng bundok tralala kayo magpapakasal ni ryan. sabagay nauna na naman ang honeymoon nyo so wala na kaming paki. di ba ALfie L???????????????

  2. This is old news. Also, is Judy Ann under contract with ABS-CBN or GMA. Nalilito kasi kami. Palabas niya sa ABS-CBN pero panay ang pa interview niya sa GMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.