Judai, will get pregnant often

BUTI NA LANG at sa Startalk unang nagpa-interview ang bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nakausap namin sila via phone patch nu’ng nakaraang Sabado at talagang kitang-kita mong masaya silang dalawa. Kaya nakakatuwa naman at natupad nila, lalo na si Juday ang dream wedding nila.

Ang balak ng mag-asawa, sa Mexico sana ang kanilang honeymoon pero dahil nga sa swine flu na iyan, hindi na sila matutuloy.

Niregaluhan pala sila ng ABS CBN 2 boss na si Mr. Gabby Lopez ng bakasyon sa Shangri-La Boracay, kaya balak nilang doon na sila magha-honeymoon hanggang sa kaarawan ni Judy Ann sa May 11.
Walang pagsidlan ng sobrang kaligayahan ang mag-asawa kaya malaki ang pasasalamat nila sa lahat ng tumulong para mabuo ang naturang kasal at naisikreto nila ito para maging solemn lang at hindi magulo ang kasal.

Kung sila ang masusunod, gustung-gusto na nilang magkaroon agad ng baby para masundan naman ang anak nilang si Yohan. Ang gusto raw sana nila, mga dalawa o tatlong anak lang sila para maalagaan nila nang mabuti. Pero say ni Juday, depende raw iyon at baka magustuhan daw niya ang mabuntis lagi.

Nakausap din ng Startalk ang Mommy Carol ni Judy Ann at sinabi niyang nalulungkot siya dahil ngayon lang daw nag-sink in sa kanya na wala na talaga siyang makakasama sa bahay kundi mag-isa na lang daw siya. Kaya balak ni Mommy Carol na magbakasyon na lang muna sa Canada, o ‘di kaya, baka bumalik daw siya sa trabaho roon.
Sabi naman ni Juday, ganu’n pa rin naman daw, walang mababago. Nadagdagan lang daw ito ng isa pang anak at si Ryan nga ito. Nangako naman sila kay Mommy Carol na tuwing weekend, dadalawin nila ito at doon sila matutulog. Hindi naman daw nila pababayaan si Mommy Carol.

ISA NA RIN sa mga endorser ng Belo Medical Group si Jennylyn Mercado, at isa ito sa tumutulong sa kanya para sa birthday concert niya sa May 14 na gaganapin sa Music Museum.

Maraming special guest si Jennylyn sa concert na ‘yun, pero ang pinaka-espesyal sa lahat na mga guest ay si Mark Herras pa rin. Hanggang sa ngayon kasi, close pa rin sila bilang magkaibigan, bukod sa isa ito sa mga ninong ng kanyang anak na si Alex Jazz.

Kung papipiliin si si Jennylyn sa mga special guest nito na magbibigay sa kanya ng bulaklak pagkatapos ng concert, si Mark ang gusto niya dahil ka-partner niya ito sa Paano Ba Ang Mangarap? at si Mark pa rin naman ang gusto ng kanilang mga fans.

Eh, paano kung biglang dumating si Patrick Garcia at mag-sorpresa sa kanyang concert? Okay lang daw ito sa kanya, pero huwag na raw umasa si Patrick na makita pa ang kanyang anak.

Makikita lang daw ito ni Patrick kung bibili ito ng coffeetable book niya na unang iri-release sa gabi ng kanyang concert.

Ang halaga ng libro ay P888 with matching libreng CD raw ito na kung saan nakapaloob ang ginawa niyang kanta para sa kanyang anak.
I’m sure bibili si Patrick niyan, dahil wala naman daw balak si Jennylyn na bigyan ito ng libre, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

3 thoughts on “Judai, will get pregnant often

  1. excuse me Jason! inngit ka lang kasi si Juday pwedeng magguest sa gma kahit contract star pa siya ng abs-cbn. kung walang utang na loob si juday matagal na sana niyang iniwan ang abs-cbn ano?

  2. Niregaluhan ng dos, tapos contract star ng dos tapos sa Startalk nagpa interview? LOL. Ganyan si Judy Ann, parang si Alfieng walang utang na loob lang.

    Bitiwan na kasi si panga, andami ng mas sikat sa kanya ngayon

Leave a Reply

Your email address will not be published.