“Judai is Mine!” – Ryan

“IT MUST BE the Judy Ann Santos effect!” Ang bulalas sa amin ni Ryan Agoncillo nang pagkatapos ng interviews, kainan at inuman eh, nagtsi-chillax na kami sa isang mesa sa bulwagan ng Le Souffle sa Amorsolo Square sa Rockwell in Makati.
Overwhelmed si Ryan at panay ang pasasalamat nila ni Judy Ann Santos dahil naging very understanding sa kanila ang maraming tao, lalo na ang media nang hayaan silang maisagawa ang kanilang dream wedding nang naaayon sa plano nila. Kaya nga, ang May 2 ang itinalaga nilang araw para sa mga kaibigan nila sa media at iba pang mga kaibigan nilang hindi nakapunta sa kasal nila in Anilao, Batangas noong April 28.

Curious kaming makalapit sa mga bagong kasal at kinumusta naman ang kanilang pulot-gata. Say ni Ryan, totoo ‘ata ang kasabihang sa unang gabi eh, wala talagang nangyayari. Bakit?

Umaga ang kasal nila. Gabi pa ang reception nila. Kaya, kakaiba ang ngiti nito sa pagsasabing nag-afternoon delight sila ng misis niya. Kaya bago pa man ang inuman at chibugan kinagabihan, alam n’yo na.

Touching naman daw for Ryan ang tatlong pamamanhikan niya – kay Mommy Carol, sa Daddy Manuel ni Judai at kay Tito Alfie. Hindi raw niya makakalimutan ang binitiwan sa kanyang salita ni Mommy Carol na kung sasaktan lang o paiiyakin ni Ryan ang kanyang anak, eh ibalik na lang ito sa kanya.

At say naman ni Ryan, ang policy niya eh, ‘no return, no exchange!’ Dahil kanyang-kanya na nga raw si Judai. May mahaba pang tsikahan with the newlyweds sina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino na aabangan na naman sa SNN (Showbiz News Ngayon) gabi-gabi sa ABS-CBN sa ginanap na toma at chibog sa Le Souffle!

HULI AGAD NG mga naiwang press sa special reception nina Judai at Ryan ang pagdating ng komedyanang si Candy Pangilinan with director GB Sampedro.

Nag-text agad ako, kung sila na ba. Sagot ni Candy sa akin, hindi pa. Mas maganda raw kung si GB ang tanungin about it. Habang lumalalim ang gabi sa tsibugan, inuman at walang puknat na kuwentuhan, hindi naman ipinagkait ni Direk GB ang sagot niya, na oo, nililigawan nga niya ang komedyana. Parehong annulled na ang kasal nila sa mga dating partners. Pareho rin silang may anak.

Say naman ng nagpapa-girl na Candy, na kinagigiliwan pa rin sa papel niya sa “Only You” with Angel Locsin, Diether Ocampo and Sam Milby eh, meron pa rin silang kanya-kanyang mga paths na kino-cross ni GB at this point.

Sa amin, sagot na ‘yung si GB ang kumuha ng tsinelas ni Candy sa sasakyan para magpalit dahil napagod na ang paa niya. Hanggang sa uwian eh, alagang-alaga siya ni GB, ha? Kung ‘di pa love ‘yon at patungo na sa isang relasyon sa pagkakakilala nila ng more than a month, naku, ewan kung ano pa ba ang masasabi about it!

BELO-FIED NA NGA raw ang beauty ng magkakaroon ng birthday concert niya sa Music Musem sa Greenhills sa May 14 (Huwebes) na si Jennylyn Mercado sa pamamagitan ng kanyang I Am Woman. Kung saan special guest niya ang sabi rin niya eh, patuloy na nananatiling isang matalik na kaibigan niya na si Mark Herras.

Hindi masagot ni Jen kung may isang sorpresang maghihintay sa kanya on that oocasion. Kung manonood ba ang tatay ng kanyang anak na si Alex Jazz o ang baby niya mismo ang kapiling niya sa gabi’ng ‘yon.
Dito na rin daw siya magri-release ng 20,000 copies ng kanyang Reborn coffeetable book for only P888 na may bonus CD ng kanta niyang For the Rest of My Life.

Lumiit na uli ang bewang ni Jen dahil sumailalim ito sa isang weight loss treatment kay Dra. Vicki Belo. Pero wala pa rin daw nanliligaw sa kanya dahil abala na uli siya sa trabaho niya.

Kung may darating daw na pag-ibig uli sa buhay niya, ito na raw ang makikilalang ama ng kanyang si AJ at sa paglaki nito na niya sasabihin ang tungkol sa biological father niya.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.