Judai and Ryan, fulfills dreams of having a private wedding

BIGLANG NAGULAT NA lang ang sambayanan nang mabalitang ikinasal na finally ang magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noong Martes ng umaga sa isang simbahan sa San Juan, Batangas.

Marami kasi ang nailigaw ng balitang naglabasan though expectedly, talaga namang naghihintay lang ang marami. Kahit kami ay nabigla dahil parang noong Linggo lang, kausap pa namin si Papa Ryan at ni hindi namin napiga ang mga detalye mula rito. Maliban nga lang sa imbitasyon nito sa amin na sooner, magkakaroon kami ng get-together cum bonding time.

Kahit si Megastar Sharon Cuneta na tumayo bilang isa sa mga abay nila, todo-lihim at naguwardyahan talaga ang bibig na magsalita (knowing the megastar na talagang matsika) tungkol sa kasalan ng kaibigan cum kapatid sa turing na si Judai.

Well, as we always say, ibigay naman natin kina Judai at Ryan ang wish nilang maging ‘private persons’ kahit man lang sa kanilang kasal.
Basta sooner or later, makakabalita kayo ng magagandang tsika mula sa amin dahil talaga namang nangako si Papa Ryan na magkukuwento.
Best Wishes nga sa inyo!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.