Juan tumakbo para sa Iskolar ng Bayan sa Navotas

 

NAGING MATAGUMPAY ANG programang “Takbo ni Juan Para sa Iskolar ng Bayan” ni Navotas City Mayor John Reynald Tiangco, para sa benepisyo ng mga estudyanteng iskolar ng pamahalaang lungsod at upang maisulong na rin ang malusog na pamumuhay ng mga Navoteños.

Ayon kay Tiangco, ang nasabing programa ay naglalaan ng P1-M kada taon para matiyak na ang mga batang may angking talino ay maipagtuloy ang kanilang pag-aaral at matupad ang kanilang pangarap, ganu’n din ang kalidad ng edukasyon.

Isa rin ito sa prayoridad ng local government unit bukod sa maisulong ang malusog na pamumuhay, magawa nila ang regular exercise, sports at maiwas ang kabataan sa masasamang bisyo tulad ng iligal na droga.

Higit sa 2,000 katao at iba’t ibang sektor ang nagparehistro at nakapag-ambag ng P200.00 bawat isa para sa programa na ang magpapaligsahan ay magkakamit ng P1,500.00, P1,000.00 at P500.00 at medalya sa 1st hanggang 3rd.

Umabot din sa higit sa P216,000.00 mula sa mga boluntaryong nagbigay ng donasyon sa mga pribadong kompanya at sumali upang ipakita ang kanilang suporta kamakailan.

Sa araw na ito (Lunes), ipinagdiriwang ni Mayor Tiangco ang kanyang ika-39 kaarawan sa lungsod at magkaroon ng programa sa harap ng city hall at nagbigay rin siya ng donasyon na halagang P500,000.

Nagpapasalamat din ang alkalde sa civic groups, organizations at private companies, Philippine Navy, Guardians Delta Force International, Inc., Frabelle Inc., Columbia International Foods Product, Inc.,  Ever Bilena, Maynilad, at iba pa sa lungsod sa patuloy na pagbibigay nila ng suporta para sa edukasyon ng mga mag-aaral sa nasabing lungsod.  (MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.