JPE, Tukuyin ang Smugglers – Palasyo

HINAMON NG Palasyo si Senate President Juan Ponce Enrile (JPE) na tukuyin ang mga nalalamang operasyon ng smuggling sa bansa.

Una nang sinabi ng pa-ngulo ng senado na matindi pa rin ang smuggling sa “tuwid na daan”.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kung may alam ang Senate President, dapat nitong ilabas na para imbestigahan ng administrasyon.

Sinabi ni Lacierda na ang pagbibigay ng mga tamang impormasyon ang tunay na tuwid na daan.

Hindi raw dapat mag-atubili si Enrile na sabihin ang mga tiwali dahil gusto nilang “happy” ang mambabatas.

“Kung may alam si Senate President Ponce Enrile tungkol sa smugglers, sabihin sa amin at walang atubiling iimbestigahin ng ating administrasyon. ‘Yan ang tuwid na daan. Sabihin niya sa amin ang mga tiwali para gusto naming happy si Senate President Juan Ponce Enrile,” ani Lacierda.

Ang pahayag ng Malacañang ay sa gitna ng lumutang na impormasyon na patuloy pa rin ang importasyon sa Port Irene sa lalawigan ni Enrile na Cagayan.

Una rito, sinasabing uma-bot sa 200 mga used cars at vans ang dumating nitong nakaraang Lunes sa kabila ng Supreme Court ruling na bawal ang vehicle importation sa Cagayan Special Economic Zone.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.