JPE sa Senate Leadership: ‘No Big deal’ sa Akin

HANDA UMANO si Sen. Juan Ponce Enrile na bitawan ang liderato ng Senado sakaling naisin ito ng kanyang mga kasamahan.

Sa isang panayam, sinabi ni Enrile na bagama’t wala silang samaan ng loob ni Pangulong Ninoy Aquino, aminado naman itong wala siyang tiwala sa mga taong nakapaligid sa pangulo.

Binanggit pa ni Enrile sina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Antonio Trillanes IV na umano’y nagtatrabaho para siya ay mapatalsik sa puwesto.

“Wala akong problema kay presidente, none that I know of. Ewan ko kung may kasama siya na hindi natutuwa sa akin… Ang galit sa akin niyan, gumagalaw para ako matanggal, si Trillanes at Miriam,” ani Enrile.

Kaugnay nito, inamin din ng pangulo ng Senado na isinauli niya ang Christmas gift sa kanya ni Santiago. Bagama’t wala aniya itong kaugnayan sa magkaibang posisyon nila sa kontrobersiyal na Reproductive Health bill.

“Kaming mga senador every Christmas ang gifts namin ginagawa ng aming staff ‘yan, at least by experience. So sa akin, baka nagkamali ang kanyang staff, pinadalhan ako. So I decided ibalik na lang,” paliwanag ni Enrile.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.