JPE, Marami Pang Ipapaliwanag sa Publiko

SA KABILA ng kanyang “irrevocable resignation,” hindi pa rin umano lusot si Sen. Juan Ponce Enrile sa publiko para ipaliwanag ang pamamalakad nito sa pondo ng Senado.

Sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na lalo lamang umanong nagdulot nang maraming katanungan sa kanila ang pagbitiw ni Enrile sa puwesto.

Maaalala na kinuwestyon noon ni Cayetano at ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang sinasabing hindi patas na pamumundmod ni Enrile ng budget sa maintenance and other operating expenses (MOOE) sa mga kaalyadong senador.

Sa panig naman ni Sen. Antonio Trillanes, binigyang-diin nito na mas dapat umanong unahin ang pag-audit sa tanggapan ni Enrile.

Samantala, magugunita na partikular na pinatungkulan ni Enrile ang tatlong mambabatas sa kanyang privileged speech.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “JPE, Marami Pang Ipapaliwanag sa Publiko

  1. Kahit balikabaliktarin mo pa si JPE ay tauhan ni MARCOS! Si dating Presidente Ramos,magkakonchaba ang mga yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.