Joyce Jimenez, pregnant!

TUWANG-TUWA SI Joyce Jimenez nang nakatsikahan ng Startalk nu’ng kamakalawa dahil kinumpirma nitong buntis na siya. Siyam na linggo na pala siyang buntis at sobrang excited ito nang ibinalita niya ito sa kanyang asawa na nasa Amerika.

Actually, wala pa raw sana sa plano nila ang magka-baby dahil ang gusto ni Joyce magtrabaho muna siya rito at bibili raw muna siya ng bahay sa Amerika at saka pa lang magkaka-baby.

Since nandiyan na at buntis na nga si Joyce, nabago ang plano nila at kailangang maghanap na raw sila ng bahay sa Amerika na titirhan nila.
Kaya rumaraket muna rito si Joyce at sa Mayo, babalik na raw siya ng Amerika at doon na raw siya hanggang sa makapanganak.

Masaya ang aktres, pero medyo malungkot din daw siya dahil maiiwan na niya rito ang mga malalapit niyang kaibigan.

Pinaghahandaan na raw niya ngayon ang kanyang pagiging ina at kung siya ang masusunod, gusto raw sana niya ay baby girl. Pero kahit ano, okay lang naman daw sa kanilang mag-asawa basta healthy lang daw ito.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang interview namin kay Joyce Jimenez.

BONGGA PALA ANG bagong billboard ni Dingdong Dantes sa Bench Body na binuksan na nu’ng Linggo sa may Guadalupe, Makati.

Pang-summer na advertisement ito ng Bench, pero medyo iniintriga na dahil sa concept ng pictorial ni Dingdong na may pakpak.

Intriga ng iba, mala-Mulawin daw ito ni Richard Gutierrez. Say naman ni Dingdong, ang Mulawin kay Richard na iyan, pero iba naman daw itong Bench Body pictorial nila.

Ang dami raw nilang ginawang concept sa pictorial pero iyong may pakpak ang pinili ng mga taga-Bench dahil iyon daw ang pinakamaganda sa lahat at ang guwapo naman kasi du’n ni Dingdong.
Sana, wala na raw kumontra sa billboard niyang ‘yun gaya nu’ng nakaraang taon na may mga nagreklamo at pinatatanggal ang billboard niya.

Balak pala ni Dingdong ngayong summer ay magbakasyon kasama si Marian Rivera. Pero depende raw ‘yun kung walang plano si Marian at kung tutugma sa schedule nila.

Wala namang ibang ka-date si Marian kaya tiyak na si Dingdong din naman ang makakasama niya kung sakaling magbabakasyon sila sa Holy Week.

Napabalita palang balak daw ni Carlo J. Caparas na isapelikula at i-revive ang Zuma. Si Dingdong daw ang gusto niyang kuning Zuma, pero hindi pa alam ng aktor kung matutuloy ba ito.

So far, abala na muna siya sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Joyce Jimenez, pregnant!

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #48

Leave a Reply

Your email address will not be published.