Joyce Ching, umaasang magkakaroon din ng endorsement ngayong nagbibida na sa teleserye

NALULUNGKOT LANG daw ang Tweenstar na  si Joyce Ching dahil mukhang mailap daw ang dating sa kanya ng endorsement, ‘di daw tulad ng kanyang co-tweens na sina Bea Binene at Barbie Forteza na marami ang endorsements.

“Nakakalungkot nga, kasi ang tagal ko na rin, pero wala pa akong endorsements like Bea at Barbie.

Ano sa tingin mo ‘yung reason kung bakit matumal ang dating ng endorsement sa ‘yo?

“Siguro ang reason kung bakit hindi nila ako kinukuhang endorser ay dahil puro kontrabida ‘yung role na napupunta sa akin, malaking factor siguro ‘yun. Siguro gusto nila ‘yung pa sweet ‘yung image, ‘yung pang bida, kasi mostly ng maraming endorsements ‘yung ganu’ng image .

Pero ngayong nagbibida ka na, sa tingin mo ba magkakaroon ka na rin ng endorsement?

“Siguro… baka. Kasi bida na ako, hahaha! Kaya nga thankful ako sa Anna Karenina kasi sa wakas bida na ako at baka nga may kumuha na sa akin para mag-endorse ng kanilang produkto.

“Sana nga mai-push, para may endorsement na rin ako katulad nina Bea at Barbie. Hahaha!” Pagtatapos ni Joyce.

 

HALOS PATAPOS na ang album na ginawa ni Xavier Cruz na mostly ng mga awitin ay revivals. Kaya naman habang papalapit daw ang launching nito ay puspusan na ang paghahanda ng batang mang-aawit .

Sobrang excited na medyo kabado raw si Xavier sa paglabas ng kanyang album. Kung dati-rati raw, pangarap lang niya ang magka-album, hindi nito inakala na ang kanyang pangarap ay mabilis na magkakatotoo sa tulong ng kanyanag tumatayong manager na si Atty. Ferdinand Topacio na very hands on sa album na ito ni Xavier.

Suportado rin si Xavier ng kanyang mga magulang na si Sir Alex Cruz at ng kanyang butihing ina na si Ma’am Aida Cruz at ng kanyang mga kapatid na sina Xandrei at ng maybahay nitong si Ma. Christina , Xerex and Xyrill , Aleah Althea, Alexa and Andrea.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Joyce Ching, umaasang magkakaroon din ng endorsement ngayong nagbibida na sa teleserye

  1. DESPERADANG STARLET!!! Bagay sayo adult diaper dahil mukha ka nang pang nanay roles di pang teen yang fezlak mo gaga!!!

  2. ay, kelangan talagang magparinig ng ganyan na parang nagmamakaawa ng endorsement?? sana sinarili mo na lang yan teh o kaya management ang kausapin mo na ihanap ka ng sponsors. baka wala ka naman kasing fan base kaya di sumusugal ang advertisers sayo. sorry ha, nagmukhang cheap ka tuloy! ewww

Leave a Reply

Your email address will not be published.