JOY VIADO, NANAMPAL NG KAPWA KOMEDYANTE?!

UBOD LAKAS NA sinampal daw ni Joy Viado ang unti-unting nakikilalang si Lassy habang sila’y kumakain kasama ang iba pang baklang kasama sa show sa Australia.

Napikon daw itong si Joy, “Dahil feeling niya, inaasar pa siya ni Lassy. Kasi nga, hindi nagustuhan ng producer ‘yung ginawa ni Joy sa show,” kuwento sa amin ng isang nakasaksi.

“Dinig na dinig ng grupo ‘yung sinabi sa telepono ng producer na sinira ni Joy ‘yung show samantalang guest lang naman siya. Ang pangit pa du’n, nanghihingi pa siya sa audience ng pera with matching, ‘Bigyan n’yo ‘ko ng pera, artista ‘to, o… artista!’

“’Wala ako masyadong budget dito, kaya pengeng pera!’ Ginaganyan niya ang audience. Nakakahiya talaga.  Nagkalat siya!

“Pati sa Immigration sa ‘Pinas pagdating from Australia, nagsisisigaw. Ba’t daw walang pumapansin sa kanya.  Nakakalokah siyang kasama sa Facebook.

“Eh, nu’ng sinampal niya si Lassy, mga 15 minutes tumahimik ang lahat ng kumakain. Ang sakit talaga ng sampal niya, buti, hindi gumanti si Lassy.”

Si Lassy ay ang sidekick ni Octopina sa Mutya, ang baklang itim na sirena.

Nako, sana, maayos ni Joy ang problema niyang ito, kung totoo man ang sumbong laban sa kanya.

TINGNAN N’YO ‘YANG ginawa ng production people ng Mara Clara. Kumbakit sila nag-decide na si Mara ay masunog sa hideout ng sindikato.

Ayan tuloy, ‘yung isang bata, nag-iiiyak. Hindi niya matanggap na wala na si Mara. Kitang-kita sa video na in-upload sa YouTube ‘yung batang habang nanonood ng naturang teleserye ay cry nang cry.

Juice ko, napanood n’yo ba ‘to? Nakakaawa ‘yung bata habang impit ang hagikhik ng ate nitong enjoy na enjoy sa pagkuha ng video.

Sabi nga ng isang Twitter follower namin ay dapat “i-distress briefing” ang batang ito na na-hook talaga sa teleserye.

Kahit nga ang mga anak namin, baliw na baliw sa Mara Clara, buti na lang, bago pa sila magngangangawa ay itinatanong muna nila sa amin kung ano’ng nangyari. Hahaha!

Hay, naku… me idea na kami what really happened during the sabog scene, pero siyempre, hindi para mag-umatat kaming mag-adelantadong sabihin sa inyo, ‘no!

Basta abangan ang mga kapana-panabik na tagpo sa Mara Clara.

MAY NAG-TWEET DIN sa amin na malapit na ring matapos ang Machete ni Aljur Abrenica. Sayang, nagkita na kami ni Aljur sa Taste of LA nu’ng isang araw, hindi pa namin naitanong.

Totoo bang two weeks na lang ‘tong eere? Eh, ni hindi pa namin ‘to nasisilip, tatapusin na agad? Eh, ‘pag ilang weeks lang sa ere ang isang teleserye, hindi maganda ang impression sa showbiz, eh.

Pero gusto pa rin naming paniwalaan na “papalicious” pa rin si Aljur, kaya I’m sure, after Machete, bongga uli ang susunod.

Malay n’yo, hindi na KJ ang next at ipapakita na talaga ang “kaseksihan” ni Aljur, ‘no!

Kung naka-online kayo, pasyal lang kayo sa http://www.ogiediaz.blogspot.com and leave comments, ha?  Follow n’yo rin kami sa twitter @ogiediaz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.