Jovit Baldivino, natuto nang maglasing at manigarilyo?!

JOVIT BALDIVINO WILL stage his first major concert, titled “Faithfully” at the Aliw Theater on November 13. The show set list will be composed mainly of songs off Jovi’ts debut album. He will work closely with his musical director Nyoy Volante to put a new twist on those songs especially for the concert.

Nang manalo si Jovit sa Pilipinas Got Talent, everything has changed in his life. “Dati pasipa-sipa lang ako ng bato, iniisip ko ang aking mga pangarap, pero ngayon may sarili na akong concert. Ako na ang nagpapaaral sa aking apat na kapatid at nag-iisip ako ng magandang negosyo para sa aking mga magulang. Dati nagbibiyahe lang kami paluwas ng Maynila, pero ngayon nakabili na rin po ako ng sarili kong sasakyan,” pagmamalaking sabi ni Jovit.

Sumasagi pa rin sa isipan ni Jovit ‘yung hirap nilang magkakapatid na pumapasok sila sa eskuwelahan nang nakayapak dahil sa sirang kalye sa kanilang lugar sa Batangas City. Nagpuputik ang kalsada hanggang binti ang putik habang naglalakad, kaya tuwing kumakanta siya naaala niya ang pangyayaring ‘yun sa kanilang buhay.

Aside from Nyoy, Jovit will be joined by his fellow Star Magic artists namely Yeng Constantino, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Sam Milby and Kim Chiu to be directed by Johnny Manahan. “Nakita ko kay Jovit ang sarili ko noong time na nag-audition ako, nagpapagod para lang maabot ang aking mga pangarap,” sey ni Yeng.

Inamin ni Jovit na may halong kaba at saya ang nararamdaman niya sa nalalapit niyang concert. Sa tingin kaya ng binata puwede na siyang mag-solo concert? “Sabi ko sa sarili ko, ako na simpleng tao, magkakaroon ng concert? Umakyat na lang ako sa kuwarto ko sa condo tapos, tumingala na lang ako sa itaas. Iniisip ko kung ano ang mangyayari… Nalaman ko pa na marami akong kasamang artists – Ate Yeng, Kuya Nyoy. Dati isang pangarap ko lang ito, nakatingin sa itaas nagpasalamat kay Lord na sana’y kapag nagkaroon ako ng concert, maging maayos at walang masamang mangyayari.”

May dapat pa bang baguhin kay Jovit as a singer, tanong namin kay Nyoy? “Actually, the kind of talent that he has, wala naman kailangang baguhin. Parang magandang kotse na lalagyan mo pa ng maraming accessories. Pero you will never never go wrong sa isang katulad niya. Kasi, lahat ng puwedeng ipasok, ilalagay namin sa mga arrangement. The way he sings… Unang-una, ‘yun talaga ang minahal sa kanya ‘yung voice, ‘yung style niya ng pagkanta. It’s what the people want. They will look for that in the concert, gagandahan pa po namin. May mga simpleng twist sa mga arrangement na medyo surprise po. Definitely, you will see kung gaano pa kalawak ang puwedeng gawin ni Jovit. Marami pa siyang puwedeng gawin na hindi pa natin alam kasi matagal na kaming magwo-work together. Matutuwa kayo kasi on that day ‘yung Superman na nakikita ninyo ngayon, mas super pa, hindi ninyo alam,” pahayag ni Nyoy.

Matipid si Jovit, pero pagdating sa mga musical instrument, lumalabas ang kakuriputan nito, ayon sa handler niya. May tsika na nang matutong uminom at manigarilyo ang magaling na singer, medyo nagbago na raw ang boses nito. “Nagbibinata na po ako…nagbabago po ang boses,” mabilis nitong sagot.

Ngayong sikat na nga si Jovit, ano ‘yung takot na ayaw niyang mangyari? “May kaunting takot. Ang takot ko lang po kung kaunti lang ‘yung manood ng concert, ‘yun ang kinatatakutan ko. Baka kinabukasan hindi na po ako magustuhan ng maraming tao.”

May pagkakahawig ba si Nyoy kay Jovit pagdating sa performance? “Unang-una sa performance, I was able to witness ‘yung performance niya nu’ng nag-abroad kami.

Tapos, kami ang tumugtog para sa kanya. Bigay na bigay ‘yung klase ng performance na ginawa niya, galing sa puso. Isa siyang singer- performer, I would like to believe, matagal na rin naman ako in the industry. Pagdating sa performance, kailangan galing sa puso. Siguro ‘yung ang nakita ko na pareho kaming talaga na feel na feel ‘yung song.”

Anong advice kaya ang puwedeng ibigay ni Nyoy kay Jovit lalo na pagdating sa love? “Sa totoo lang, pagdating sa situwasyon sa buhay, hindi natin talaga mapi-predict. I for one never predicted a lot pagdating… it happened in my life. Definitely, hindi ko ia-advice sa kanya na huwag magmahal, very important ‘yun lalung-lalo na sa craft namin, kailangan ang puso. So, despite sa pangyayari sa aking buhay, as an artist, as a person, I would still advise him na ‘pag nagmahal, bigay mo nang todo.”

Hanggang ngayon, crush pa rin ni Jovit si KC Concepcion. Personal raw niyang iimbitahin ang dalaga para manood ng kanyang concert. Pangarap din ng binatang maka-duet ang singer-actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

14 thoughts on “Jovit Baldivino, natuto nang maglasing at manigarilyo?!

  1. . . . Napansin ko nga, kulang ang batang to as being presentable sa entablado o screen. dapat nga mag enroll muna sa Fashion School para magaral ng tamang artist etiquette. Speaking good english is a must, Jovit.

  2. c Jovit, dapat magenrol sa Speech Program. Sa stage, walang sinabi kundi AYANN,,AYAN..ayannn. No sense ba yong tone ng sinasabi niya, meaningless at sobrang obvious na laking probinsiya. Nakaka turn off tuloy. Bata pa siya, kaya please to concentrate HOW TO SPEAK IN PUBLIC. Kapag okey na, puede na siyang lumapit kay David Foster. No offense, for much better in his career.

    • Korek ka diyan kuya, napansin ko rin nga yon, powerfull pa naman ng boses niya. somebody must couched on him about this. Very important. Pano na siya kakanta sa Las Vegas niyan. After, sasabihin niya ayan ayann ayan, sabay kamot ng ulo at aalis na nakayuko. Hindi nila napapansin ng mga handler/manager ni Jovit,,but very very important, huag ipagbahala. O sige, kung sa probinsiya, malls lang puede na rin.

  3. Please lang turuan syang kumanta na naiintindihan ang lyrics, may talent talaga sya sa pagkanta no doubt pero ang pronunciation sablay talaga. Nagtataka lang ako at bakit pinayagan ang mga songs nya ibenta na hindi gaanong nahasa…

  4. lagi yang andito sa dinalupihan, bataan (jovit) may nililigawan syang contestant ng star power laurice ang name..mabait naman at pwde magpapichur kaso lakas magyosi ….

    • hahahah!!!! :) nakakatuwa ka pero totoo ang sinasabi mo, nakakahiya naman ang ginawa ni Nyoy, PARA NA RING NAGNANAKAW SI NEYOY!

Leave a Reply

Your email address will not be published.