Jovit Baldivino, hilo pa sa biglang pagbabago ng buhay!

NATAWA NA LANG ang press sa Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino sa mga kanaturalan nitong ipinamalas sa contract signing niya, kasama ang mga PGT finalists na sina Markki Stroem at ang Ezra Band, sa Star Records at Sony Music para sa mga albums nila.

Mechanical Engineering pala ang kursong kinukuha ni Jovit sa University of Batangas. At kahit daw pinapasok na rin niya ngayon ang mundo ng recording eh, sisikapin pa rin daw niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Nagulat nga kami nang sabihin ni Jovit na 16 years old lang siya. Kaya, pinabulaanan nito ang balitang galit sa kanya ang mga supporters ni Governor Vilma Santos dahil nasa kampo raw siya ng kalaban nito.

“Ialis po natin ang pulitika rito. Hindi pa naman po ako bumuboto. Naimbitahan lang po ako. At kung nangampanya man ako noon sa kinantahan ko, ‘yun po eh, para sa sarili ko, sa pagsali ko sa PGT.”

Pinatotohanan din ni Jovit ang balitang nagtitinda siya ng siomai sa bayan nila sa Batangas. At nang tanungin ito ng press kung ano ba ‘yung siomai na tinda niya, ang sagot niya eh, “Fork po!” Hagalpakan siyempre ng tawa ang mga tao. At natawa rin si Jovit at pinaulit-ulit pa ang pagsasabi nito at itinuro na lang ng katabing si Markki ang tamang pagbigkas sa karne ng baboy.

Mukha ngang hilo pa si Jovit sa tinatamasa nito ngayong pagbabago sa ikot ng buhay niya. Nu’ng nagsasasali raw siya noon sa mga singing contest sa bayan nila, ang pinakamalaki na niyang naiuwi eh, dalawang libong piso. Pero ngayon, ang una niyang in-invest eh, ang magkaroon ng cell phone. At hindi basta cell phone, ha? Black Berry!

Pero nang tanungin namin ito kung sino na ang mga ka-BBM niya, eh, kami ang tinanong niya kung ano raw ba ‘yun?

Si Sarah Geronimo pa rin ang pangarap na makasama ni Jovit sa isang proyekto, sa TV man o sa concert stage. Nabanggit niya na may TV show na raw siyang sasalangan soon, pero secret pa raw ito.

Ginulat na naman uli kami ni Jovit nang bigla itong dumighay ng ke lakas-lakas at narinig sa mikropono sa harap niya!

‘KAKATAWA RIN ANG sinabi ni Vic Sotto (sa phone patch sa kanya ng Showbiz Central) sa isyu ng hiwalayan nila ni Pia Guanio. Habang walang patid ang daloy ng luha sa mga mata ni Pia, na naglinaw na walang katotohanan ang mga kumalat at lumaking isyu na wala na sila nito, seryoso naman si Bossing Vic sa tinuran niya. Masyado nga lang raw pinalaki ng mga tao ang normal lang namang ‘di pagkakaunawaan na dinaraanan ng magkakarelasyon.

Ang nakakatawa, ‘yung sinabi niyang meron na nga siyang bago. Bagong kotse raw ito!

Diumano, nabagsakan pala ng puno ang lumang Mercedes Benz ni Bossing Vic noong kasagsagan ng bagyong Basyang. Kaya, totoo rin na may bago nga siya. Kotse nga lang at hindi tao!

NAIKUWENTO SA AKIN ni Sugar Mercado na nagsusumikap daw talaga siya ngayon, kahit sa sing-along bars ni Allan K. muna siya madalas na napapanood, dahil gusto pa rin daw niyang makaipon nang husto.

Nabanggit din ng dating SexBomb dancer na lilipat na siya sa isang uupahang condo at magsasarili nila.

Tinanong ko si Sugar kung tumatakas ba siya sa Mommy niya ngayong meron na siyang bagong inspirasyon sa buhay?

Hindi naman daw. Although noong una eh, pinagtalunan nga nilang mag-ina ito. Pero naipaliwanag naman niyang mabuti sa nanay niya na gusto rin naman niyang matutong mamuhay na. Makakasama pa rin naman sila pero ‘yung may privacy na nga.

Masama pa rin ang loob ni Sugar sa nangyari sa kanya, dahil nawalan na siya ng sasakyan eh, nawalan pa rin siya ng hinuhulugang bahay. Kaya hindi lang doble kundi triple ang kayod na ginagawa niya sa buhay.

Bakit nawala ang mga bagay na ‘yun sa kanya? Hindi niya makalimutan na ipinagkatiwala niya ang mga ito sa isang couple na parang minadyik lang na hindi na niya nakuha ang sasakyan niya at hindi naman pala magkakaroon ng katuparan ang pag-i-invest niya sa isang bahay na parang drawing lang pala!

Naniniwala naman daw si Sugar sa karma!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Jovit Baldivino, hilo pa sa biglang pagbabago ng buhay!

  1. Sobrang ganid ang ABS-CBN mgnt kapag ibinalik uli ninyo si HAMBOG WILLIE REVILLAME. At sana DELICADEZA na lang dahil si CORY AQUINO (RIP) ang nagsauli ng ABS-CBN sa mga LOPEZ kaya may utang na loob ang mga LOPEZ sa FAMILIA AQUINO, tapos yang HUDAS na si WILLIE REVILLAME ay kinalaban pa si KRIS at binastos pa si CORY nung funeral cortege nya. At hindi lang yon, patay-na-patay sa pag-endorse si WILLIE CHEATER (doble-cara 2/0) kay MANNY VILLARROYO last election. Mahiya naman kayo mga LOPEZ noh, hindi maibibigay sa inyo ni WILLIE ang utang-na-loob ninyo sa mga AQUINO. Tandaan nyo yan!!!
    see: Ang daming galit kay Hambog —-
    http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly&1

    • ano naman kinalaman ni willie r sa article? mga bayarang kampon ni abnoy – lumagay nga kau sa lugar! mag-rally na lang kau. me pera pa kau.

    • Ang tindi rin ng topak nitong si Freddir hanggang ngayon eleksyon pa rin ang nasa utak. Hoy mga sira -ulo tumigil na kayong mga naninilaw na kampon ni penoy at kris kati-kati sa pagtuligsa sa mga kumampanya kay Villar. Kampanya lang yun, tapos na yon, as in TAPOS NA. Dapat magsama-sama kayo ABIAS-CBN, AQUINO- (mga sira-ulo) CUWAGO ANGKAN, MGA GAHAMAN LOPEZ sa IMPYERNO!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.