Jovit Baldivino, bagong Nora Aunor

NAGBUNYI ANG MASANG Pilipino sa pagkakapanalo ni Jovit Baldovino as first grand winner sa nationwide talent show na Pilipinas Got Talent na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan lang. Among the finalist, ang Batangueño singer turned YouTube sensation ang nakakuha ng pinakamaraming text votes, almost fifty percent!

Two million pesos cash ang napanalunan ni Jovit, matutupad na ang kanyang pangarap na makabili ng sariling bahay at lupa, at mapag-aral ang kanyang mga kapatid.

Contestant pa lang sa PGT si Jovit, todo-suporta na si Governor Vilma Santos sa binata. Kinuha niya ito sa mga event noong kainitan ng kampanya niya sa Batangas City. Kumikita ito ng ten thousand pesos per show sa iba’t ibang bayan sa Batangas.

Palibhasa magaling na mang-aawit si Jovit, kaya unti-unti itong gumawa ng pangalan sa kanilang lugar sa tulong ni Gov. Vi. Maging ang katunggali ni Ate Vi sa pagka-Gobernador na si Armando Sanchez ay nagkainteres na kunin si Jovit para mag-perform sa kanilang pangangampanya. Kinausap nito at binayaran ng thirty thousand pesos ang tatay ni Jovit na si Hilario Baldovino para i-pull out sa show ni Gov. Vi.

Nang gabi mismo ng pagtatanghal ni Jovit sa Batangas, dumating ang tatay ni Jovit para sunduin ang anak. Kinaladkad at pilit na pinasasakay sa kotse, nag-iiyak at ayaw sumama ni Jovit sa kanyang anak. Walang nagawa ang pobreng binata, kahit labag sa kanyang kagustuhan, kung hindi ang sumama sa kanyang ama. Agaw-eksena pa nga raw ang drama ng mag-ama. Ayaw kasing tumigil sa kaiiyak itong si Jovit at nagpipipiglas. Hinayaan na lang ng kampo ni Gov. Vi na makaalis ang mag-ama.

Ang nakatutuwa kay Jovit, ganoon na lang ang paghingi niya ng despensa sa naging behavior ng kanyang ama. Taos-puso rin siyang nagpasasalamat sa kanyang mga fans na sumuporta sa kanya. Ganoon din kay Ate Vi.

Kung bibigyan ng pagkakataong maging artista si Jovit, pangarap niyang makasama si KC Concepcion. Wish din niyang maka-duet sina Arnel Pineda at Sarah Geronimo at makasama ang dalaga sa isang teleserye.

Sa init ng pagtanggap ng publiko kay Jovit, walang dudang tatanghalin siyang Superstar like Nora Aunor. Siya ang male version ni Ate Guy, small but terrible pagdating sa boses.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Jovit Baldivino, bagong Nora Aunor

  1. Nung una, overwhelming din ang feelings ko nung napanood ko sia. But then I realized, nadala lang ako sa emosyon ng judges at ng kuento nia. Nakakahawa naman kasi ung pag-iyak nung 2 female judges (Kris & Ai w/c I found unfair to other contestants). And ung story nia ang mas pinaka naging selling point nia, 2nd na lang ung talent nia, aminin man natin o hindi. Contagious ung sympathy ng mga tao s kanya.

    At first amazed tlg me sa kanya, pinakita ko pa sa opismate kong Indian un YT vid nia.Sabi png internatnl daw un boses.Pro, wen I compare, I can say na mas humanga ako ke Charice kysa s knya pgdting s gling at stage presence.Pro, dko n dn type c Charice ngaun e.Epal din ang parents.

    At ewan, bkit dun sa interview s knya, prng me nasense akong di maganda d way he answered d question.Nt bcoz d p xa snay s mga interviews,pro ung content at tinutumbok ng sgot nia is prng me tendency tlg na lumaki kgad ang ulo ng batang ito.Im nt a Vilmanian ha.At talagang request for TELESERYE kgad at leading lady? Prng c Pacquiao lang ang dting skin.

    • Ako rin dati taga hanga ako ni charice ngayon hindi na… lumalaki na kasi ang ulo akala mo kung sinong big star kapag nasasalita sa interview here in Philippines ang lakas ng hangin… for me kahit gaanong kagaling ang isang tao pero mayabang naman ang dating, na tur turn off ako. kaya tignan mo si charice hindi pa rin IN sa mga pilipino at ang daming critics as compared kina arnel pineda at lea sa longa. kaya dapat si Jovit mahasa sa pagsagot sa interview kasi hindi man natin siya kilala ng personal on the way he expresses his thought doon siya ma jujudge!!! kasi kahit anong galing mo kung nagpapakita ka ng di magandang ugali ma turn-off ang mga tao sayo kaya ang mga artista they are trying to be plastic showing humililty sa TV pero sa personal lalo na how on how they treat regular people makikita mo ang ugali

  2. Sabi ng nanay ko para daw si nora aunor ang nakikita nya! umiiyak pa siya, tinanong ko siya kung baki ang sabi nya lalaki pa ata ang susunod kay Nora he he he

    sorry po kay Kris A. sabi nya male version siya ni charice, di po ba hindi naman malakas ang karisma ni charice? and never kong nagustuhan yun pero iba si Jovit. alam kong si Nora Aunor ang nasaisip ni Ai Ai at Kris that time pero mahal nila si Ate vi at sabay sabing I love you te VE ha ha ha ha at sabay sabing sana pag naabot mo ang superstardom wag kang makalimot,

    dapat sana pag naabot mo ang for all seasons wag kang makalimot I love you ate vi! ha ha ha ha

    Ai Ai and KRis are two of the most stupid and ignorant artist in the fields of arts and culture.

  3. Sana naman e wag maging swapang ang mga magulang ni Jovit. Buti na lang at naging maunawain si Gov V at tinulungan pa rin siyang manalo.
    Anyway, just for the record dahil sa sobrang paghanga ko sa batang si Jovit, ng ipalabas dito sa Saudi ng 9:30 pm, pinanood ko ang PGT, then nagkaroon ng replay ng mga bandang 2:30 am yata iyon, dahil sa kagustuhan kong mapanood, ayun napuyat ako kinabukasan pagpasok sa office namin. At ng maglabasan kami ng araw na iyon at sobrang init ng panahon, muntik na akong madali ng heat stroke. Ganoon akong ka die hard ni Jovit.

  4. jovinatics:

    ang pagkaka alam ko rin, sa lola nya tumira at lumaki si jovit ( sa padre garcia batangas), pero nung kumikita na at nanalo na nga sa PGT, kunuha na si jovit ng magulang nya kasi alam nila na mag aahon ng malaking pera.

  5. ang mga magulang ni jovit ay isang pagpapatunay na hindi kapakanan ng anak niya ang iniintindi bagkus eh ang ilalagay sa bulsa ng kikitain ng anak niya.

    ang alam namin dito sa batangas eh yang si jovit ay ipinagkatiwala sa kamag-anak nila dahil hindi nila kayang papag-aralin.

    nitong nakaraang marso, kinuha nila si jovit dahil nakakitaan nila na siya ang magdadala ng kayamanan sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.