Joshua Garcia, malakas ang tama kay Jane Oineza

Joshua-Garcia-Jane-OinezaANO NGA ba ang tipo ng babae ni Joshua Garcia para pasado sa kanyang standard na maging girlfriend?

Siyempre, dapat bukod sa mabait at maganda, gusto niya ng tipo ng babae na alam niya na makasusundo niya.

Sa showbiz, sila ni Jane Oneiza ang tinutukso at inili-link, kung saan sa bahay ni Kuya sa PBB All In nabuo ang kanilang nasimulang “romance” na sa paglabas nila ay ipinagpapatuloy pa rin sila.

“Jane is one girl po na magugustuhan ko. Mabait po siya bukod pa sa maganda,” kuwento ng tubong Bauan, Batangas na baguhan.

“Kahit sino, magugustuhan si Jane. Inggit siguro po ang kahit sinong lalaki na hindi siya ang maging boyfriend. She’s very pretty po. Maganda po siya, ‘di ba?” tanong ni Joshua sa amin when we had a short exclusive tsikahan with him last Sunday.

Kung sa bagay, kung tumingin si Joshua kay Jane nang mga sandaling ‘yun tumatagos. Pansin ko, nakatitig si binata palagi sa magandang mukha ni Jane. May isang tanong nga kami na tila hindi niya naintindihan na pakiwari ko’y na-distract siya sa kanyang concentration while looking at Jane’s beautiful face na ang dalaga ay ngumingiti lang.

No wonder, kaya naman hindi na nagdalawang-isip ang ABS-CBN Dreamscape Entertainment na mapabilang sila sa bagong teleserye ng Kapamilya Network na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Ang balita na nakarating sa amin, maganda ang chemistry nina Joshua at Jane na aside from the new teleserye ay malamang may pelikula na sila next year (abangan ang balitang ‘yan dito sa Pinoy Parazzi).

Kung may KathNiel, JaDine at JaBea, mayroon ding tawag sa mga bagets. Ang tawag kina Joshua at Jane ng fans nila ay JOSHANE na saksi kami kung gaano ka-supportive ang mga ito sa kanilang mga idols.

We just hope na ang mga pa-like-like nila at beautiful comments sa mga isinusulat namin sa mga kolum namin will transform into sales ng Pinoy Parazzi lalo pa’t nangako kami that we will give them a regular update kina JOSHANE dito kung susuportahan nila kami.

Aasahan ba namin ang mga JOSHANE fans and supporters worldwide sa “ex-deal” na ito?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

24 thoughts on “Joshua Garcia, malakas ang tama kay Jane Oineza

  1. hahahhahaha mga walang hiya kayo mga fans ng Joshane na yan hahahaha naloko na naman kayo ng chakatol network bwhahahaha eh alam naman ninyo yata na GF yang si Jane ng isa sa Teng Brothers hahahha,,,,huwag kayong pauto sa PR Dept ng chakatol hahaha lalo na sa mga ‘Bulok style ni Eric Salut hahahhaha…habang buhay kayong lolokohin niyan hahahaha

  2. hahahahah mga walanghiya kayong mga taga Ebak,,bakit kayo ganyan? hahahah may bago na naman kayong LT, Joshane na naman hahahaha ano yan bago na naman,,,kilala na ba yan?,,,eh papano na ang kilala sa buong universe na Katniel ( sabi ng mga jejemon fantard ) ….. papayag ba naman sila he he bakit lalaosin na ba ng chakatol ang Katniel bwhahahahha papano na ang KABUHAYAN ni Mudra Karla at ang kanyang Papa….pag nalaos na si Daniel hahahaha

  3. BIG CORRECT!sa pbb pa lang supportado tlga namin clang dalawa kaya hanggan sa outside world papatunyan namin na ang supporta namin sa JOSHANE ay walang ending kahit na may iba ay humahadlang pero kitang-kita man na nangingibabaw parin clang dalawa patunay na dyan pag may moment clang dalawa hindi maipagkaila ang CHEMISTRY tlga..iba!

  4. yaay sana nga may m0vie sila!!..thank you po sa article..nakabili na ako kanina..nahirapan pa ako maghanap kc puro ub0s na..

  5. salamat po…abangan po namin next update..makakaasa dn po kayo sa support namin sainyo..nagkaubusan na nga po ng dyaryo eh hehe thank you and God bless from Team HK

  6. Handa kming sumuportahan Ang joshane at ipakita s knia kong gaanu khlaga sa Amin Ang joshane.cla Ang nagppkilig sa Amin dto s Kuwait at maraming Slmat sa Lhat ng joshane fans kya todo suport nalang ntin c jane at Joshua

  7. Hello po Im from south korea and avid fan ng joshane thank you for featuring our loving joshane maasahan din po nio ang aming suporta.

  8. support lagi kaming solid joshane sa kanilang dalawa hanggang sila ang maging official loveteam:)) bsta sinusuport ang joshane susuportahan din namin..god bless!!

  9. This! God knows how much we supported these two. Sana tuluy tuloy na ito. Tnx sir for the time n chance given to Joshane at lumayag sa column nyo. tc

  10. Im Thims from Dubai and an avid fan of Joshane. Thank you for featuring Joshane! We truly support Joshua and Jane and looking forward to the next update.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.