Joshua Dionisio, ayaw ligawan si Barbie Forteza!

Kung dati’y young Piolo Pascual at Jake Cuenca ang roles na ginagampanan ni Joshua Domingo sa Kapamilya network, this time young Dingdong Dantes na siya sa Kapuso Network.

Yes, natuluyang mag-ober da bakod si Joshua dahil bida na siya sa First Time, isang romantic drama na mapapanood sa GMA Telebabad simula sa Lunes. Pinapirma na rin siya ng 3-year contract kaya’t certified Kapuso na siya ngayon.

Tulad ng inaasahan, magiging love interest niya si Barbie Forteza.

Sa Stairway to Heaven lang nagsama sina Joshua at Barbie, pero sikat na sikat na sila agad. Young Dingdong Dantes at Rhian Ramos sila. Ang pangalan nila sa “Stairway…” ay Cholo at Jodi. At iyon din ang tawag sa kanila ng mga fans kapag nakikita sila sa mga malls.

Dahil 12 years old lang si Barbie, ayaw muna ni Joshua, who’s 15 years old na tuksuhin na agad sila. Namumula pa nga si Joshua kapag tinatanong sa bonggang presscon kung nililigawan na niya ang ka-loveteam. “Huwag po. Tingnan n’yo nga si Barbie, ang bata pa talaga. Mamaya, kausapin pa ako ng parents niya at pagbawalan,” nag-aalangan niyang sagot.

“Pati po mga fans, nakikiusap po ako na huwag munang akalain na nanliligaw na ako kay Barbie. ‘Pag nasa mall nga ako, tinatanong ako lagi tungkol sa kanya. Tinutukso na po kami sa isa’t isa. Ayaw nilang paawat. At ang tawag sa akin ay Cholo pa rin at si Barbie, Jodi. Natutuwa po ako, pero may pressure. Bida po kasi kami. Biglang-bigla. Masaya na sana, pero alam po ninyo iyon, ang lakas ng kabog sa dibdib. Sana, maging katulad ng “Stairway…” ang mangyari sa First Time namin.”

Inamin din ni Joshua na ang ganda ng istorya at mga locations nila.

“Nakalulula po ang laki ng teleserye. Dumarayo kami sa San Antonio, Zambales dahil ‘yung napakagandang beach doon ang bagay na bagay sa istorya. Halos araw-araw kaming magkasama ni Barbie roon. Maski naman po rito sa Maynila, kami rin ang laging magka-eksena.”

Magpapakitang-gilas ang PBB Double Up evictee na si Tom Rodriguez sa Sharon ni Megastar Sharon Cuneta sa Linggo.

Natural lamang na sobra-sobra ang excitement niya, dahil siya ang first PBB Double Up housemate na binigyan ng pagkakataon na makadaupang-palad ang hinahangaan niyang Megastar. Pinaghanda siya ng mga posibleng ipamamalas sa show, tulad ng talent niya sa pagkanta, pagsasayaw, pagma-magic. ‘Yung una ang napili niya with matching guitar-playing pa.

As if hindi pa sapat ang immediate sabak niya sa Cheating Hearts na tinampukan nina Cristine Reyes at Jake Cuenca. Napatunayan niya talaga na kaya niya ring umarte, bagama’t pa-Ingles-Ingles pa siya lagi.

Tiyak na hahanapin ng televiewers ang lady-love niyang si Princess. Sad to say, mukhang kontrabida si Princess, samantalang si Tom ay pam-bida.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

loading...

20 thoughts on “Joshua Dionisio, ayaw ligawan si Barbie Forteza!

  1. BAGAY KAYONG DALAWA SANA MAGKATULUYAN KAYO.AT SANA HNDI KAAYO MAG AAWAY..AT KUNG MAG AAWAY MAN KAYO SANA MAGKABATI KAYO AGAD.KAC KAYO ANG INSPIRATION KO.
    IDOL2X KO KAYO.AS IN.SNA MAGKAKITA TAYO SAH PERSONAL.YUN LNG SLAMAT,,,,,,,,,

  2. “”hEy….. Barbie Ang gAndA mo tLagA……!!!^_^ snA mkita na kitA in pErsoNaL…Kc……… Idol nA idoL tlgA kiTa eh………………

  3. ano na ang nangyayari sa writer na eto naging balasubas habang tumatanda. mga bata pa yang mga yan wag nyong turuan sa mga kamunduhan nyo… para lang magkapera ilalako na yung angle na pwede nang mag jowa at early age.

    kung ako ang mga magulang ni barbie sasampalin ko ang writer na eto.. linalagyan nya ng malisya ang mga bata dapat malaman eto ng BANTAY BATA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.