Josh Ocampo, susubok sa magulong mundo ng showbiz!

BALIKBAYAN JOSH OCAMPO is a young Filipino-Spanish looker who dreams of making a name for himself in showbiz. Dalawang taon matapos niyang bumalik sa bansa galing Amerika kung saan siya nanirahan ng anim na taon, Josh is steadily attracting people’s attention. He wins people’s hearts the moment he opens his mouth because he talks with a lot of sense.

His eyes always light up when he talks about his passions. One of these is acting. Kung ang iba ay gustong mag-artista dahil gusto nilang sumikat o yumaman, Josh simply aims to please. He says he loves entertaining people and that applause is music to his ears. “It’s like being told, ‘Good job, Josh,” sabi niya.

Josh is really bent on succeeding in his chosen career dahil walang sinuman at anuman ang makapipigil sa kanya sa pagtupad ng kanyang mga pangarap. These days, Josh is hard at work training his body making it even buffer than it already is in preparation for the kind of roles he wants to get in the near future lalung-lalo na sa drama at action. Maliban sa pag-aalaga ng kanyang looks, nag-aaral din si Josh ng pagkanta at pagsayaw.

Walang problema sa kanya kung gumawa man siya ng mga sexy o gay roles kung ito ay makatutulong para siya ay mag-improve bilang isang aktor. Handa na rin siyang harapin ang mga intriga na maaaring ibato sa kanya ng mga mapanuring mata ng publiko at press.

It was his grandparents who advised him to try out showbiz. Noong una ay gustong maging professional basketball player ni Josh hanggang sabihin nila na subukin niya ang pag-aartista because he has the looks, height, drive, natural talent in acting, build and the right age.

Josh admires Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Zac Efron and Robert de Niro. Kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho sina Cristine Reyes at Andi Eigenmann.

Although he has appeared on several television shows and commercials, hindi kinalilimutan ni Josh ang kanyang pag-aaral. He is currently a 4th year student at St. Joseph’s College.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleMaldita at Maepal na Aktres, Gusto Nang Sapakin ng Aktor na Kasama sa Sitcom!
Next articleBuhay-Pag-ibig ng Mag-amang celebrity, Magkasalungat ang Kinahinatnan!

No posts to display