Joseph, wala raw time na magparetroke ng ilong

Joseph Marco

Joseph Marco

Sinagot ni Joseph Marco ang tanong namin sa kanya tungkol sa tsismis na nagpa-nose job siya o nagparetoke ng ilong. Kapansin-pansin kasi ang mas matangos na ilong ngayon ng actor sa pelikulang “My Rebound Girl” na launching movie nila ni Alex Gonzaga.

“Wow, hindi ah! Walang time,” sabi agad niya. “Siguro dahil pumayat ako kaya ganu’n.

“As in from ‘Pasion (de Amor)’, grabe ang payat ko talaga. ‘Yung iba nga, ang sinasabi, ang pangit nga raw, eh. Pero sinabi ko, mas okey sa screen. In person, medyo malnourish but technically, mas okey siya sa screen. Pero ang problema ko talaga ay ‘yung dito,” sabay turo niya sa ilalim ng kanyang dalawang mata na malalaki ang eyebags.

Eh, ano ang reaksyon niya ‘pag sinasabi ng iba na nagpa-nose job siya?

“Natatawa lang ako. Ewan ko kung saan nila nakuha. Sinabi pa nga nila na nagpa-panga (nagpadagdag ng panga) pa ako. Pero walang mga ganu’n, pumayat lang talaga ako kaya lumiit ang ilong ko at lumabas ang panga ko,” paliwanag pa ng actor.

Ang totoo raw pinoproblema niya ngayon ay hindi ang ilong or ang panga niya kundi ang kanyang buhok.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.