Joseph Marco & Yen Santos: Oh, The Sweetest Thing!

Joseph-Marco-Yen-SantosJOSEPH MARCO
Real Name: Joseph Cecil Marco
Birthdate: October 4, 1988
Zodiac Sign: Libra

YEN SANTOS
Real Name: Lilieyen Santos
Birthdate: November 20, 1992
Zodiac Sign: Scorpio

ISANG BAGONG tambalan ang ipinakilala ng Dos sa pamamagitan ng Koreanovela remake ng Pure Love. Oo nga’t si Alex Gonzaga ang pinaka-main star ng programa, pero hindi naman maikakaila ang kilig na nararamdaman ng televiewers sa tuwing magkasasama sa eksena sina Dave at Ysabel, na ginagampanan nina Joseph Marco at Yen Santos.

Maituturing na ‘newbie’ sa showbiz ang dalawang ito, pero nakitaan na namin sila ng potential bilang ‘next loveteam to groom’ ng Dos. Sa totoong buhay kaya ay keri ang tambalang ito?

Mas intense ang emotions ng Scorpio, habang ang Libra naman ay nagse-set ng barrier tuwing ito ay nasa relasyon. Ang pagiging possessive ng Scorpio ay wala sa bokabularyo ng Libran. Kailangan maramdaman ng Scorpio constantly ang pagmamahal ng kapares, habang importante sa Libra ang kanyang kalayaan. Ang pagiging balanse ng personalidad ng Libra ang maaaring maka-control sa intensity ng Scorpio.

The truth is both zodiacs are romantics. Kapag mahal nila, mahal nila talaga. Kailangan lang nilang mag-adjust para mahanap ang tamang timpla to get love drunk forever!

Kailangan ng bonggang efforts on both sides para mag-work ang relasyong ito. Ang compatibility nila ay hindi ganu’n kaganda, pero hindi rin naman masama. Ang pasimpleng paglalandi ng girls sa lalaking Libra ay big deal sa babaeng Scorpio. Ang pagiging needy emotionally ng Scorpio ay puwedeng ikasakal ng Libran, na priority ang freedom. Yes, initial attraction is there pero para mag-work ito? Effort, please!

There you have it! Mukhang like in the series Pure Love, the two newbies need to work on their differences para happy ang ending!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleJenMark
Next articleNakarere-“late” na re-“late”

No posts to display