Joseph Marco, naudlot ang pagpaparamdam kay Alex Gonzaga

Joseph Marco & Alex Gonzaga

Joseph Marco & Alex Gonzaga

Ayon kay Joseph Marco na leading man ni Alex Gonzaga sa “My Rebound Girl” movie ng Regal Films na showing on Sept. 29, nagparamdam daw siya noon kay Alex habang magkasama sila sa “Pure Love” pero hindi na raw niya ito itinuloy.

“Nagparamdam ako sa kanya noon pero nakita kong hindi pa siya ready, so nirespeto ko ‘yon. Sabi ko, maybe in time. And right now, okey naman kami.”

Eh, ngayon ba ipu-pursue na ba niya ang panliligaw kay Alex?

“I’m not closing my doors. I like Alex, I like Alex very much,” reaksyon niya.

“Nu’ng ginagawa namin itong ‘My Rebound Girl’, excited akong magsyuting, excited akong makita siya. Right now, hindi natin masabi, eh. Whatever it is na ibibigay niya sa akin, I’ll respect it.

“Pero ako, sabi ko nga sa kanya, nandito lang ako while I’m single. So, you’ll never know what’s gonna happen.”

Ang “My Rebound Girl” ay sa direksyon ni Emmanuel dela Cruz. Kasama rin sa pelikula sina Mart Escudero, Nathalie Heart, Alora Sasam, at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.