Joseph Marco and Maja Salvador: A Wild, Wild Romance!

Joseph Marco and Maja Salvador

JOSEPH MARCO

Real Name: Joseph Cecil Marco

Birth date: October 4, 1988

Zodiac Sign: Libra

 

MAJA SALVADOR

Real Name: Maja Ross Salvador

Birthdate: October 5, 1988

Zodiac Sign: Libre

 

GABI-GABI inaabangan ng madlang pipol ang lalong tumitindi at paganda ng pagandang istorya ng Wildflower. Maituturing na isang surprise hit ang ‘hot and dangerous’ seryeng ito na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Ang angas niya talaga bilang si Ivy Aguas / Lily Cruz at nakakainggit na tatlong hot men lang naman ang nagkakandarapa sa beauty niya. Kainggit!

Anyway, sa tatlong boylets ay mukhang kay Joseph Marco talaga mas malaki ang chance na mauwi sa totohanan. Totohanin na kaya natin? Ask natin sa mga bituin!

Ay, oh. Pareho na nga silang Libra, same year pa pinanganak. At wow, magkasunod na araw pa! Destiny na ba ito?

Ang maganda sa tambalang ito ay they share the same positive qualities. Ang mahirap naman ay same din sila ng negative traits. Ito ang rason kung bakit ang libra-libra match ay either too good or too bad. Natural na sa isang Libran na mag-search ng kapartner sa buhay. Hindi ito sanay na mag-isa. Dapat ay meron itong minamahal, pinagsisilbihan at inuuwian. Kapag hindi sila in a relationship, siguradong actively ay naghahanap ito.

Sino ba naman ang hindi mabibihag sa kamandag ng Libran kundi kapwa Libran? Ngiti pa lang, pamatay na! Pareho nilang goal ang i-please ang kanilang partner whether that is romantically or emotionally. Gagawin nila ang lahat para lang magwork ang pagsasama nila. Balanse din ang relasyong ito dahil walang masyadong pabibbo at magpe-play ng role as the bigger one or the boss.

More often than not, pareho rin sila ng taste lalo na sa mga fine things in life. Dahil natural na sa kanila ang pagiging peace-loving, sisiguraduhin nila na maiiwasan nila ang mga away na super dangerous. Maaayos naman ang mga limitadong gusot sa mabuting usapan. Medyo matatagalan bago nila ma-realize na they’re perfect for each other and with compromises, ito na siguro ang isa sa best matches ever!

There you go! Kung sa Wildflower ay magkakampi at understood na may love para sa isa’t isa sina Ivy at Diego, mukhang puwede itong mauwi sa totohanan kina Maja at Joseph! Well, that’s what you call a wild, wild romance!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.