Joseph Estrada, seryosong pinag-iisipan ang pagtakbo bilang mayor ng Maynila

BAHAGI KAMI bi-lang staff sa kaka-tapos lang na Erap 75, ang diamond birthday celebration na inihanda ng mga anak ni Former President Joseph Estrada na idinaos noong Huwebes, April 19, sa Le Pavillion sa may Roxas Boulevard. A fusion of showbiz, business and politics, ‘ika nga, ang mga invited guests sa naturang pagtitipon, kung saan umaapaw ng mga bisita sa venue.

Mga alas siyete ng gabi, dumating na ang celebrator at ang mga very important guest ni Erap na sina VP Binay at President Noynoy Aquino, no less.

Nagsimula ang programa bandang alas siyete y medya ng gabi at natapos ito bandang alas dose y medya ng hatinggabi. Walang dull moment sa program na inihanda ng production people.

Sa panayam kay Erap, inamin niyang wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay. Aniya, “Eversince, I will always wish that somedy, somehow, would be able to uplift the plight of our marginalized people of their everyday lives, better and better.”

Inusisa naman ng media si Erap if tuloy na nga ba ang kanyang balak na tumakbo bilang Mayor ng Maynila, pero ayon pa sa kanya, “Ah ‘yan ang mabigat kong pinag-iisipan. I’m seriously thinking about it.”

 

NAKAUSAP DIN namin si Senator Jinggoy Estrada sa birthday party ng kanyang amang si former president Erap Estrada at inusisa namin siya kung sino nga ba ang gusto niyang mabigyan ng National Artist award. Lumulutang na kasi ang mga pangalan nina Governor Vilma Santos, Superstar Nora Aunor at ng Comedy King Dolphy.

Ayon kay Jinggoy, “I already gave a statement, siguro unahin natin si Tito Dolphy because of his age, and because of his health, sana matanghal na siyang National Artist habang siya’y nabubuhay pa.”

“And of course, Gov. Vilma and Nora, Eddie Garcia, all but deserving to be National Artists.”

 

KINONTAK NAMIN si Ate Aida, ang kanang kamay ni Governor Vilma Santos upang makahingi kami sana ng interview para sa Paparazzi sa butihing punong panglalawigan ng Batangas.

Ani Ate Aida,nasa shooting kasi sila ng pelikulang The Healing kung saan lamay scene ang kinunan sa Candelaria, Quezon kaya malamang daw na magdamag sila roon.

Pero kinabukasan, isang maiksing statement ang ipinadala sa amin ni Governor Vilma thru Ate Aida, tungkol sa pag-push ng ilang mambabatas sa kanila ni Superstar Nora Aunor at Mang Dolphy bilang national artist.

Ayon sa statement ni Gov. Vilma, “Salamat sa tiwala! Tito Dolphy deserves it more, 200%. Thank you!!!”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Joseph Estrada, seryosong pinag-iisipan ang pagtakbo bilang mayor ng Maynila

  1. si vilma parang wala naman siyang k tawaging national artist,hindi niya kahit kailan naabot ang mga karangalang nakuha ng isang nora aunor,pwede ba huwag na itong pagtalunan bakit ba lagi ninyong isinasali si vilma pag si ate guy ang pinag-uusapan,halatang walang vilma kapag walang nora kasi sumusulpot lang ang pangalan niya pag nariyan si nora!

  2. agree ako sa sinabi ni jinggoy na si tito dolphy muna ang bigyan ng national artist award,kahit pa si nora sa lahat ang may k, sa dahilang napakarami niyang karangalang nakuha sa loob at labas ng bansa ,subalit si tito dolphy ay senior na at maraming napaligayang pilipino sa labas at loob ng pilipinas, sa dami niyang nagawang pelikula at sa talentong naipamalas rin niyang pagkanta at pagsayaw go na tayo basta si tito dolphy aprub!

  3. “Mang Dolphy deserves”, not deserve and “his health”, not his healthy….

  4. Agree ako kay jinggoy when he said na dapat c Mang Dolphy ang tanghaling National Artist. Pero hindi ako agree sa reason nya. Dapat ba tanghaling national artist c pidol because of his age and because of his health? Pra ka nmn hindi senador kung magisip eh. Mang Dolphy really deserve the title dahil sa laki ng naiambag nya sa showbiz industry, sa dami ng achievements na nakuha nya at sa mga taong natulungan nya. But never say he should be because of his age and his healthy, buti hindi mo cnabi na malapit na mamatay (knock on wood).  Pray for you Mang Dolphy, for your good health.

Leave a Reply

Your email address will not be published.