Joseph Bitangcol, ligtas na sa kamatayan!

LIGTAS NA SA tiyak na kamatayan ang aktor na si Joseph Bitangcol matapos na madisgrasya noong Miyerkules ng madaling-araw sa Sumulong Highway, kung saan sumalpok ang sinasakyan nitong Mitsubishi sa truck na minamaneho ng driver na si Victor Beltran.

Nagtamo ng fracture sa kaliwang bahagi ng bungo si Joseph at nalagasan ito ng ngipin sanhi nang malakas na salpok ng nasabing drum truck.

Iwas magbigay ng pahayag ang mga kamag-anak ni Joseph sa pangyayari, subalit kahapon ay kinumpirma ng Marikina Valley Medical Center na ligtas na ang binata sa tiyak na kamatayan.

Iyak nang iyak si Joseph nang matauhan at mapagtanto na nasira ang makinis niyang pisngi at siya ay nabungi.

“Kawawa naman si Joseph, siya ang breadwinner sa kanila, sa kanya umaasa ang kanyang pamilya. Tapos ganito pa ang nangyari sa kanya,” kuwento sa amin ng isang kamag-anak ng aktor na aming nakausap habang naghihintay sa kaganapan sa insidente.

Sa kabilang banda, nakakapagsalita na sa ngayon si Joseph, pero hindi pa ganu’n kasolido dahil iniinda nito ang sakit sa mukha na hanggang sa mga sandaling ito ay may benda pa.

Humihingi naman ng paumahin si Victor Beltran kay Joseph at sa pamilya nito at pati na rin sa iba pang kaibigan ng aktor na nadisgrasya. Ayon kay Victor, hindi niya sinasadyang mangyari ang insidente. “Ngayon lang po nangyari ito sa akin.

Ngayon lang po ako nakulong at nakadisgrasya, kaya humihingi ako ng sorry kay Joseph. Hindi ko naman po ginustong magkabanggaan ang mga sasakyan namin.”

Sa ngayon naka-impound na sa Police Station 2 ang kotse na sinakyan ni Joseph at ang dumd truck.

“Hanggang ngayon, hindi pa natin tiyak kung ano talaga ang nangyari. Hindi natin tukoy kung totoong lasing ang grupo ni Joseph o sobrang tulin ng truck. Basta sa ngayon, ‘yung driver na si Victor ay dito muna sa aming station habang hindi pa tapos ang kaso,” pahayag iyon ng PSP commander na si Randy Amaro.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

12 thoughts on “Joseph Bitangcol, ligtas na sa kamatayan!

  1. tigilan nyo na ngayon mga ugok d kau nakakatulong…. sa truck lang spelling lang ng truck ginagawan pa ng isyu… trycycle nalang kya para madali sa inyo… mga ugok kau lahat…basagin ko din mga bungo nyo eh..

  2. parepareho kayong engeng… its’d dump truck my friends… short for dumping truck… hay naku sablay na ang report pati ang comment sablay parin ahahahahaha – toink…

  3. morly mag google ka nga hindi drum track ano yan track na puro drum ang laman ahaha, lalong wala naman dumd truck ano yan nagpapauso ka ng spelling, ayan tuloy binasag ka sa dumb truck ni pupu, ramp truck yun ay tanga ahaha…biro lang dump truck yun morly, DUMP TRUCK kuha mo!

  4. MUKHANG GALING SA GIMIK YUNG GRUPO NI BITANGCOL ANG MAHIRAP DYAN AY BAKA MGA NAKA-INOM ANG MGA ITO…….WHAT A WASTE KUNG GANOON NGA

Leave a Reply

Your email address will not be published.