Joseph Bitangcol, burara sa kanyang showbiz career?

HINDI PA rin naman ligtas si Joseph Bitangcol tungkol sa pangamba, na baka isang araw ay mayroon na lang kumalat na mga litrato kaugnay ng isyung sa isang highway ay nakita siyang tulog na tulog at medyo hubad na ang kalahating katawan. Mayroon kasing mga nakapag-usyoso sa lugar nu’ng makilala siya, bago pa man ipinangalandakang siya nga iyon. Dahil alam naman sa showbiz na siya ay isang artista, dahil nanggaling siya sa ABS-CBN at naging boyfriend dati ni Sandara Park.

Napakaguwapo ni Joseph na nakunan ng kamera habang mahimbing na natutulog, kaya hindi maipagkakamali na siya nga iyon. Pero ang punto rito, nawawalan pa rin talaga siya ng pag-iingat tungkol sa kanyang sarili na puwedeng lalo pang makaapekto sa nanlulupaypay niyang movie career. Napakabait , magalang at mapakisamang tao si Joseph, pero napakailap ng kasikatan sa kanya, kahit mayroon din naman siyang talent.

Nakalulungkot ang biyahe ng pakikipagsapalaran ni Joseph sa showbiz. Hindi niya talaga maabot ang dapat niyang marating. Para rin siya ‘yung dating young actor na nakasabay niyang umentra sa showbiz, si Raphael Martinez.  Guwapo, mabait, magalang, mapakisama at may talent din naman si Raphael. Kaya lang, sobrang mailap din sa kanya ang kasikatan. Mas sikat pa sa kanya ang Mommy niyang si Karen Martinez na rampadora sa showbiz. Mas mabuti sigurong magtapos na lang si Joseph ng kanyang pag-aaral, habang nariyan lang din ang showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.