Joseph Bitangcol, balik sa pagtitinda ng barbecue – Ruben Marasigan

Bilib kami kay Joseph Bitangcol, hindi niya ikinahihiyang sabihing balik siya sa pag-iihaw ng barbecue sa mga araw na wala siyang pinagkakaabalahan. Ito kasi ang business ng pamilya niya.

Dati na naman daw kasing tumatao si Joseph sa ihaw-ihaw outlet nila noong hindi pa siya artista kaya wala siyang nakikitang masama kung balikan man niya ito.

Actually, ‘yong mga bumibili raw ng barbecue, nagugulat na lang kapag nakikitang siya ang nakabantay roon. Natatawa na lang siya.  So far, nasu-surprise lang ang mga customers nila kapag nakikita siya pero wala naman daw siyang naririnig na negative feedback.

Maaaring sa mga pa-sosi, medyo mapapa-iwwww!  Kasi nga naman, habang namamayagpag ang dati niyang ka-loveteam at ex-girlfriend na si Sandara Park bilang miyembro ng isang sikat na all-girl singing group sa Korea, heto si Joseph sa mausok nilang barbekyuhan na nagpapaypay at nagpapabaga ng uling, nag-iihaw at nagbebenta ng barbecue.

Nagkita nga raw sina Joseph at Sandara nang dumalaw sa Pilipinas ang huli for a short vacation. Okey naman sila as friends.

“Wala naman akong nakitang pagbabago sa ugali at personality niya,” ani Joseph. “Ang napansin ko lang, mas tahimik siya ngayon no’ng nagkita kami.  Hindi lang alam kung naiilang lamang siya sa akin o ano.”

May mga nagsasabi na mali umanong career movie ni Joseph ang pagpayag nitong maghubad at mag-portray ng gay role na may lovescene pa with Polo Ravales at rape scene with Emilio Garcia. Hindi raw nakatulong para maibangon ng binata ang sumadsad na career.

“Siguro nga,” aniya.  “Kaya lang, magsisi man ako, nando’n na, eh, nagawa ko na.”

From ABS-CBN, sinubukan din ni Joseph na lumipat sa bakuran ng GMA-7 sa pag-asang mari-revive ang init ng dating popularity. In fairness, naisali naman siya sa cast ng Totoy Bato na pinagbidahan ni Robin Padilla.  Pero hanggang sa natapos ang nabanggit na serye, parang wala namang anumang tulong na nagawa ito para muling bumango ang pagiging artista niya.

Mula Kapuso ay balik-Kapamilya si Joseph at kasali siya sa Agimat kung saan kagrupo siya ni Tiagong Akyat na ginagampanan naman ni Gerald Anderson. Kasama rin siya sa Nagsimula Sa Puso na pinagbibidahan ni Maja Salvador

Ayaw na ni Joseph tumanggap ng bold roles.

“Hindi na.  Tama na siguro ‘yong minsan na ginawa kong gano’n,” patapos na nasabi ng binata.

Patrick Garcia, winiwish na mahawakan ang anak

Sa birthday ng kasamahan namin sa panulat na si Mildred Bacud, nahingan namin ng reaksiyon si Patrick Garcia tungkol sa pagiging close ulit ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at ng ni Mark Herras.

Aniya sa amin, kung saan magiging maligaya si Jennylyn, hindi siya kokontra.  Okey lang din sa kanya na habang patuloy na ipinagkakait nito sa kanya ang tsansang makita man lang niya kahit sandali lang ang kanilang anak, madalas namang nakakarga-karga ni Mark ang bata na parang ang huli ang ama nito.

“Hinihintay ko pa rin kasing lumambot ang puso ni Jen,” ani Patrick.  “I’ll just wait for the day na okey na sa kanya na magkita kami ng anak namin.”

Hindi na raw umaasa pa si Patrick na magkakabalikan sila ni Jennylyn.  Tingin nila ay malabo na talaga.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Joseph Bitangcol, balik sa pagtitinda ng barbecue – Ruben Marasigan

  1. Pingback: bacud

  2. GANUN TLAGA BITANGCOL IF YUNG KA LOVETEAM MO AY SEASONAL LANG SA BANSA TULAD NILA NI SANDARA UMASA KA NKA-PARK LANG LAGI ANG CAREER MO!SA UULITIN WAG KNA PUMAYAG NA MAKIPAG LOVETEAM SA ISANG FOREIGNER.

    • Kung hindi dahil kay Sandara baka ni hindi nakatikim ng kasikatan yan si Joseph kaya dapat lang magpasalamat siya. He’s not good in acting and he’s not so good looking too.

Leave a Reply

Your email address will not be published.