Joseph Bitangcol, balik sa pagtitinda ng barbecue

NAGULAT KAMI NANG mapanood namin sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa Walang Tulugan with the Master Showman noong Sabado.

Kapamilya talents ang dalawa pero umapir nga sila sa show ni Kuya Germs dahil birthday ng Master Showman.

“Nagpaalam po ako at salamat po at pinayagan ako,” sabi ni John Lloyd habang nag-thank you naman si Shaina kay Mariole Alberto ng Star Magic sa pagpayag na umapir siya sa GMA show.

Si Shaina ay nagkapag-promote pa ng kanyang show sa Dos, ang Alyna, pero hindi si John Lloyd. Ang tanging nasabi lang nito ay abangan na lang ang show niya na mag-uumpisa sa ere today.

Hindi siguro pinayagang banggitin ang bagong show ni John Lloyd na Imortal na mag-uumpisa na today kung saan leading lady niya si Angel Locsin. First time na magsasama sina Angel at John Lloyd kaya naman kaabang-abang ang Imortal. Makikita rito kung talagang may chemistry sila.

AKSIDENTE LANG ANG interview namin sa Star Factor contestant na si Paul Montecillo na sinasabing bet ni Annabelle Rama na manatili sa show.

Nag-walkout nga si Tita Annabelle dahil tsinugi si Paul.

“Mga dong at day, i’m sooo stress kaya hindi ako nakapag-tweet buong araw, nag-walkout ako kagabi sa taping ng “star factor”, sooo depressed,” sabi ni Tita Annabelle sa kanyang Twitter account.

“Siguro po, gusto niya ako kasi… Noong una po natakot ako sa kanya. Tapos, noong nalaman ko nga po na ipinaglalaban po niya ako at ayaw niya akong matanggal, parang napaka-thankful ako sa kanya. Siguro naramdaman niya na hindi lang ako…. Kasi parang first elimination and second elimination dancing lang po. Hindi pa niya ako nakikitang umarte o kumanta. Siguro parang mas gusto pa ni….nabibitin pa si Ms. Annabelle na gusto pa niyang makakita sa akin ang iba pang talent. Siguro gano’n po. Pero okay lang po sa akin,” eksplika ni Paul na nagsabing nalaman niyang bet siya ng madir nina Ruffa at Richard sa staff mismo ng Star Factor. Nainterbyu namin si Paul during break sa rehearsal ng play na Juana La Loca kung saan bida si Cecille Guidote-Alvarez. Anak ni Cecille ang role ni Paul dito.

At ano naman ang masasabi niya kay Direk Joey Reyes na ayaw sa kanya na manatili sa show?

“Siguro lang po hindi niya lang ako gusto. Pero natsa-challenge po ako kay Direk Joey na ipakita ko ‘yung mas kaya ko, na i-prove ko na mas magaling ako kaysa sa mga natira. Hindi naman po ako nagtatampo o galit sa kanya. Gusto kong mapatunayan, hindi lang kay Direk Joey Reyes… gusto kong mapatunayan sa sarili ko na kaya ko talagang maging artista. Ginusto ko talaga na maging artista at alam ko sa sarili ko na kaya ko. Parang feeling ko, konti na lang. Ito na ‘to. Gagawin ko lahat para magustuhan ninyo ako.”

ANG AKALA NAMIN ay okay na sina Alex Gonzaga at Nadia Montenegro dahil nagkaayos na sila.

Nag-away ang dalawa dahil sa tsikang nilalait daw ni Alex ang mga anak ni Nadia na sina Anyka at Alyana at sinabihan daw niya ito ng pangit at mukhang camel toe.

Pero sa taping ng Paparazzi, nalaman naming naimbiyerna na naman si Nadia dahil panay raw ang painterbyu ni Alex tungkol doon. Ayaw na niya kasing makaladkad ang mga anak niya sa interbyu ni Alex.

Ipinagtanggol naman ni Tita Cristy Fermin si Alex sa pagsasabing isang beses lang nagsalita si Alex tungkol sa issue at ito ay noong Huwebes sa Juicy.

Nagsalita rin si Joseph Bitangcol at inaming medyo hirap nga siya ngayon, kaya balik siya sa pagtitinda ng barbecue sa kanilang bahay sa Pasig. Sina Jason Abalos at Rafael Martinez ang tumutulong sa kanya ngayon dahil na-stroke ang kanyang ama.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

11 thoughts on “Joseph Bitangcol, balik sa pagtitinda ng barbecue

  1. hay knowing anabelle gimik lang ang walkout kc kung totoo d sana bumubula na ang ibig nun sa galit, gnwa lang nya un para mag ingay at d machugi ung show nila agad! style mo bulok!

  2. MAGTIGIL KA NA NADIA MONTENEGRO. MAY UGALI KA KASING MAKISAWSAW SA LAHAT KAYA MARAMI KANG KAAWAY. KAILANGAN NANG PUBLICITY NANG MGA ANAK MO. PASALAMAT KA, LIBRE . MAG EXCERCISE KA NA LANG KAYA. KEEP BUSY AND STAY OUT OF TROUBLE. LOOK AT GRETCHEN AND SOME OF YOUR EX-FRIENDS. HINDI KA NA PINAPATULAN AT NAG BUSY NA LANG SILA SA CAREER NILA. KAYA PUMAPAYAT. . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.