Jose Manalo, pinagbabayaran ang mga kasalanan ng asawa?!

SA MIYERKULES na pala ang pagsisimula ng hearing ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ng asawa ni Jose Manalo na si Annalyn laban sa una.

Malamang na magbibigay na rin daw si Jose ng statement kaugnay ng gulong ito.

Nanahimik lang siya talaga magmula nang lumabas itong Annalyn na nagsalita sa The Buzz nu’ng nakaraang Linggo.

Pero sa dami nang inaakusa sa kanya at lumalaki na ang gulong ito, magsasalita na rin daw si Jose. Hinihintay lang niya ang payo ng abogado niya bago ito magsalita o magbigay ng kung ano mang statement.

Ewan ko lang kung magsasalita si Jose at sasabihin niya lahat, dahil tiyak na lalabas ang lahat na kasiraan ng asawa  niya. Eh, nanay naman daw ito ng mga anak niya, kaya nag-iingat din ito.

Sasagutin kaya ni Jose ang lahat ng mga naririnig naming kuwentong ginagawa ng asawa niya?

Ang latest na narinig namin, namumroblema daw ngayon ang Eat Bulaga dahil tiyak na malaki na naman daw ang babayaran nilang bond para makalabas ito ng bansa.

May nakatakdang show ang Eat Bulaga sa Amerika at since kasama si Jose, magbabayad na naman sila ng bond para payagan lang ito makalabas.

Dawit kasi si Jose sa mga kasong isinampa laban sa asawa niya dahil pareho silang signatory sa mga tsekeng tumalbog.

Ito pa rin ‘yung mga dinemanda sa asawa niya na naging dahilan din kung bakit nagbakasyon muna si Jose ilang taon nang nakaraan.

Kaya may hold departure order sila. Para makalabas lang si Jose, nagbibigay sila ng bond na puwedeng bawiin pagbalik nito ng bansa.

Ang daming show ng Eat Bulaga sa ibang bansa, at kapag kasama si Jose, nagbibigay ang Eat Bulaga ng 300 hanggang 500 thousand na bond.

Pagbalik nila, dapat balik din ang bond. Pero hindi naman ganu’n ang nangyayari dahil hindi na nababalik sa mga taga-Eat Bulaga ang pera para sa bond.

Nasa asawa na raw ito ni Jose at hindi na nababalik. Kaya ang pobreng Jose ang nagbabayad nito na kinakaltas na lang sa suweldo niya sa Eat Bulaga.

Kawawa rin ang komedyante dahil sobrang apektado siya sa mga pinaggagawa ng asawa niya. Kaya hindi mo rin masisisi na nagsawa na rin sa katatakip sa mga kapalpakan ng asawa niya.

Dito nga siya na-link sa isang miyembro ng EB Babes na si Mergene, pero tahimik din itong huli.

Hindi naman daw napapabayaan ni Jose ang mga anak nito kay Annalyn. Malabo na rin siguro silang magkabalikan pa dahil sa gulong nangyari. Palagay n’yo ba babalikan pa ni Jose ang babaeng ito, na walang ginawa kundi pawang problema ang inabot ni Jose sa kanya?

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

15 thoughts on “Jose Manalo, pinagbabayaran ang mga kasalanan ng asawa?!

  1. Jose di panghabang buhay ang kasikatan sana alam mo yan, ikaw sa sarili mo alam mo kung saan ka galing, may pera na talaga yong asaw mo nong bumalik ka sa kanya. Matuto ka sana tumanaw ng utang na loob. Kawawa naman ang mga bta sila ang apektado. Libog lang yan nararamdaman mongayon kay Mergene (Virgin pa ba yan ng makuha mo). Sa asaw ni Jose tuloy mo ang laban, ibang kaso yong Scam mo sa nilalaban mo para sa pamilya mo. Be strong huwag kang tumigil hangat di nagababayad si Jose sa kasalanan nya.

  2. talaga magsasalita si jose, ano naman kaya ang sasabihin niya sana lang huwag ilihis yong isyung may babae sya, luma na yong scam na ginawa ng asawa nya, nasa korte na nga daw, ang punto rito ay tungkol sa pambabae ni jose manalo at pagabandona sa mga anak nya, na pilt pinagtatakpan ng Channel 7, Di nga nahiyang lumabas ang asawa nya kahit patong patong ang kaso para lang lumabas na si jose. Di nyo alam ang buong katotohanan ng bumalik si jose kay annalyn wala naman pera si jose taong 2003, ni wala ngang sariling sasakyan, negosyante na si annalyn at maganda ang kalagayan ng mga anak niya kahit 13 taon na ibandona ni Jose manalo, ngayong made at sikat na siya iiwan ang pamilya WHAT THE HECK JOSE, masisira na ngayon ang FAMILY MAN image mo. Sana lang ayusin mo na to. Anyway nasa korte na rin pala yan magkita na lang kayo don. DI MO NADALA NG MAGANDA ANG KASIKATAN MO KAYA MADALI RING MAWAWALA SAYO YAN. PARA SA MGA DI NAKAKAALAM lahat ng anak ni Annalyn La Salista na noong araw pa kahit walang susutento noon ni Jose, ngayon ka lang babawi sa mga anak mo Jose. Para sa mga anak ni Jose Stand by your mom, kayo lang ang makapagpapatunay kung ilang taon kayo inabandona ng tatay nyo noon, uulitin na naman ngayon huwag kayong pumayag……

  3. Mahirap kasi pag ang babae ang inayawan,kaya siguro si Annalyn ganyan ang reactions,Sana lang si Jose huwag pabayaan ang mga anak niya,kayo lang naman magasawa ang may alam kung ano ang totoo o hindi

  4. @ Fermez la bouche AKA KALOY hahaha wag magpanggap na ibang tao, kaya pala bastos ka si KALOY ka pala, palitan mo yang avatar mo at mag iba ka ng ginagamit mong computer BOBO. HULI ka!!!! hahaha TSE

  5. Gosh ang mga fans ni Jose nagwawala sa galit. hahaha mga walang modo umasal katulad ng idol nilang butas ang mukha. So Idol nyo ang nangangabit at nang iiwan ng anak??? DUH no wonder like idol like fans. hahaha

  6. trueeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeelllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy

  7. KUKAY WAG TATANGA TANGA ALAM MO BA NA ANG ASAWA NI JOSE AY NAGKAANAK PA SA IBA NG DALAWA HABANG KASAL PA SYA KAY JOSE

  8. bago ka kasi mambabae sana ipina annul mo muna ang kasal nyo. mahilig ka rin kasi at pati anak mo tuloy galit sa iyo. Tse

  9. ka Jose…Huwag mo nang babalikan yong impakta mong asawa,tama yan ginagawa mo…inienjoy mo lang ang Buhay mo…sa asawa mo tangina nya…

  10. kung me problema ang mgasawa,sa kanila na lang yun, hindi na sna nagpainterview pa ung babae. sa halip na maayos lalaki lalo ang gusot

  11. obviously, pinagtatanggol ni lolita si jose. sana nga magsalita na si jose at isa dun ay ang pag amin nya na may relasyon sila ng starlet dancer na miyembro ng EB babe. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.