Jose Manalo, napagod na sa asawang maraming utang?!

GUSTO NAMING makisimpatiya rito kay Annalyn Manalo, pero ba’t kaya kahit ngiwi ng mukhang naaawa ay hindi namin maibigay sa kanya?

Kasi naman, naaalala pa rin namin ‘yung apat na taong lumapit sa amin, iminit namin sa isang coffee shop at para kaming barangay captain na shoulder to cry on at buhusan ng sama ng loob nila sa asawang ito ni Jose Manalo.

Ilang milyon ang mga utang na dinedma sa kanila ni Annalyn. Na sila-sila mismong mga kausap namin, naging magkakakilala dahil sa kani-lang paghahabol kay Annalyn.

Sila rin mismo ay naaawa kay Jose. Ang sabi pa nga nu’ng isang kausap namin, “Kung ako asawa niyan, hihiwalayan ko ‘yan, eh.”

Ang siste pala, itong si Annalyn ay nangungutang tapos mag-iisyu ng postdated checks na kasama na ang tubo. Nu’ng una, good ang mga checks. Tapos, utang uli. And then, doon na nagtatalbugan ang mga checks at kasabay na niyan ang lagi niyang pangakong magbabayad, pero wa pa rin.

Ang ending, ‘yung ipambabayad niya ay inuutang niya rin nang may tubo, kaya nagkakapatung-patong lang ang mga utang niya sa paglobo ng interes.

Saka me nagkuwento pa sa amin na nu’ng naghiwalay nu’ng araw sina Jose at Annalyn, nagkaanak sa iba ang babae, and despite that, binalikan pa rin ito ni Jose at itinuring ng komedyante na parang tunay na anak ang hindi naman nito anak.

Since hindi nagsasalita si Jose, iniisip na ng ibang mahuhusay mang-husga na sumikat lang si Jose ay iniwan na ang pamilya para sa ibang babae.

Aba eh, sino naman tayo para humusga? Sa bahay ba nila tayo nakatira para magmarunong? Alam ba natin kung ano rin ang hirap ni Jose sa misis niya?

Kami ay naniniwalang kung sa pera pa lang ay hindi ka na puwedeng pagkatiwalaan, damay kahit ang ibang pag-uugali mo.

Hindi namin kinukunsinti kung may babae man si Jose at nagawa nitong iwan ang unang pamilya.

Baka nga napagod na rin itong si Jose sa katatakip sa asawa niyang maraming pagkakautang.

 

HINDI TALAGA namin kinaya ‘yung presyong hinihingi raw nitong si BB Gandanghari para lang pumayag itong magpainterbyu sa ABS-CBN talk show particularly sa dating asawang si Ms. Carmina Villarroel para sa “Showbiz Inside Report.”

Ang hinihingi raw ay P650,000.

Juice ko, kahit naman number one station ang ABS-CBN, hindi naman para ibuhos lang nila sa isang tao ang ganu’n kalaking halaga para lang maka-exclusive.

Isa lang ang ibig sabihin nito – ayaw magpainterbyu, kaya nagbigay ng presyong ayaw.

And I’m sure, kahit hindi namin tanungin si Carmina kung sakaling makarating ito sa kanya ay hindi na rin siya para maging interesado pang mainterbyu si BB Gandanghari.

Ang alam lang naming nakara-ting kay Mina ay ‘yung mga salita ni Rustom… este, ni BB na magkahawig na sila ng dating misis at ang naging sagot ni BB ay “Don’t flatter yourself.”

Imbes na mainis ay natawa na lang si Mina.

“Gano’n?” na lang ang nasabi niya.

 

GOOD REVIEWS ang nakukuha ng My Kontrabida Girl mula sa mga movie press na nakapanood ng advanced screening, at ‘yun ang nagtulak sa amin para panoorin ang naturang movie nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos.

Alam n’yo, in fairness, naaliw naman kami sa movie. Nahabaan lang talaga kami. Meron siyang running time na 1:59 o isang minuto na lang, dalawang oras na ang pelikula.

Mahusay si Rhian. At natuwa kami for her dahil saglit naming nakalimutang nasangkot siya sa abortion issue. Ang ganda-ganda niya throughout the movie.

Isa sa nagdala ng pelikula ang gumanap na alalay niyang si Chariz Solomon na ang husay-husay sa timing ng comedy.

Si Kevin Santos ay pasok na pasok din bilang komedyante, pero ba’t nanaba na ang batang ito?

‘Yung Bea Binene, ang galing ding umarte. Si Jake Vargas ay parang tomboy naman sa kanyang hair. Ang liit na ngang bata eh, nagpapahaba pa ng hair, lalo tuloy lumiit siya.

Si Aljur, saving grace for him ang kanyang paghuhubad, dahil ang ganda ng katawan. Pero payo namin kay Aljur, ang ganda pa naman ng mukha niya, sana, mag-take siya ng acting workshop, promise.

Siya na rin ang nagsabi sa isang VTR na, “’Pag meron kang nagustuhang isang bagay, alagaan mo.” Kaya dapat, alagaan niya ang kanyang craft, dahil baka maagaw ang spotlight sa kanya ng iba.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Jose Manalo, napagod na sa asawang maraming utang?!

  1. ai tanga ka naman pala laikabato eh sobra tanga mo di namn siya nangutang eh, pilit pa nga pinagtatakpan ang problema ng pamilya ni jose pero itong si babae madaldal tlaga tulad mong tanga.. siguro bitter ka lang kasi taob ang 2 sa EB haha laos :
    ))

  2. Saving Grace na rin ang pag-interview ni Mariel sa brother-in-law (hindi ko masabing sister-in-law dahil mukhang lalaki pa rin ).
    Walang nakuha si BB sa ABS-CBN kaya naghanap na lang ng magiinterview sa kanya para hindi mapahiya. Bakit wala pang kasunod ang interview ni Mariel ? Wala naman kasing interesado. Ano ba ang ginawa ni Rustom na kahanga hanga bago naging BB ?

  3. maganda nga ang review pero flop nman? e di wala rin, gusto ko sanang mapanood yun kaso baka mainis lang ako sa akting ni abrenica kaya wag na lang. 

  4. Basta gawa ng GMA7 flop sigurado. kaya natatawa ako kapag sinasabi nilang number 1 ang station nila pero wala naman nanonood ng mga movie nila. lol

  5. hay naku ogie, walang kwenta yang my kontrabida girl. andaming langaw sa sinehan. parang pelikula lang ni marian rivera, palagi walang nanonood. malibog na abortionista mana kay marian rivera!!!!

  6. @kate halatang one sided ka, gusto mo lang basahin ang gusto mong malaman at mangyari. maraming talbog na check na pumirma din si Jose kaya hindi mo ito pwedeng isisi kay analyn. mag-asawa sila dapat alam nila ang kanilang limitation pag dating sa pera. nandoon na tayo maraming utang si Analyn pero dapat isipin ninyo rin kung bakit nangungutang si Analyn may problem ang family nila jose hindi lang si analyn. Bagsak kasi ang negosyong ni Jose masyadong malaki ang capital na ginamit nila kaya puro utang silang mag-asawa. bakit ko nasabi dahil kilala ko ang family ni Jose. ang problem kasi kay jose support lang naman sya sa Eat Bulaga hindi naman malaki ang salary niya kaya puro’s sideline ang ginagawa sa comedy bar. take note nangutang din si Jose kay bosing pero hindi na pinabayaran. Yung resort ni jose ang sinasabi kong malaking lugi sa kanila dahil sobra nilang pinaganda pero konti lang ang patron nila. tuloy baon baon sila sa utang.

  7. Itsura pa lng ng asawa ni jose, d na tlga mapagka2twalaan.  Scam queen tlga ang dating. Cya pa my ganang magreklamo eh cya ang maraming ginawang ktarantaduhan. Hindi na nahiya makapal din ang mukha. Sowi to say this, kung ako nging asawa nyan hihiwalayan ko tlga yan.  Pero bago ko hiwalayan, bugbog sarado muna yan.  Mabait lang tong c jose eh, imagine pati anak nya sa ibang lalaki inako na.  Cgro nga napuo na c jose sa mga kawalanghiyaan nya.  Imagine lahat ng inestafa ng ex wife nya, cya ang nagbabayad. Walang kamalay malay ang lalaki na nakapag asawa cya ng estafadora.  May lakas pa ng loob ciraan ang asawa sa harap ng tv.  Super kapal ng mukha mo Annalyn estafadora.

  8. we support u jose. sana maayos yung gusot nyo ng pamilya nyo. dapat kasi hindi na nagsalita etong babae kasi ang away ng magasawa sa kanila lang yung,hindi inilalabas

  9. aba, eh mas kumita daw ang corazon unang aswang kaysa sa my kontrabidang girl ah… wala daw kasing kalatuy-latoy ang acting nia aljur at rhian lalo na si Machete na parang KAHOY umarte

  10. kasi nman mapiling ang asawa nitong c buguy kala mo mayaman hoy nagpapakahrap itong butas ang muka sa kakawork kaya wag kang mapiling na kala mo ikaw asawa ni henry sy

Leave a Reply

Your email address will not be published.