Jose Manalo, nabali ang panata sa Kapaskuhan

Jose Manalo

Jose Manalo

“Medyo nabigla rin kaming lahat!”

Ito ang naging pahayag ni Jose Manalo nang ‘di nakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival ang kanilang movie na “Enteng Kabisote 10 and The Abangers” na showing na sa sa lahat ng sinehan nationwide mula sa direksiyon nina Tony Reyes at Marlon Rivera.

Dagdag pa ni Jose, “Nag-usap nga kami ni Bossing (Vic Sotto) na naging ganu’n ang desisyon. Wala tayong magagawa, eh. Iyon ang inano ng committee, ‘yun ang gusto nila. “Sabi nga ni Bossing, iyon ang panlasa nila. So, talagang pareho kami ng pinag-uusapan.

“Kaya lang, ang iniisip namin, sana panoorin din ng mga bata at makapunta rin sila. Kasi alam mo naman, tuwing Pasko lang sila kadalasang nagkakaroon ng sariling pera, ‘di ba?

“Kasi naging tradisyon na natin iyon, eh. Sabi ko nga, ako nalulungkot ako, eh. Noong minsan, gumawa si Bossing ng movie na wala ako ng Christmas, pero sumama pa rin ako sa parada, eh.

“So, naging panata na namin iyon!” Pagtatapos ni Jose.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Jose Manalo, nabali ang panata sa Kapaskuhan

  1. FLOPSINA ANG MOVIE NINYO JOSE AT TANDANG VIC KASAMA NA ANG PINAKASIKAT NYONG ALDOG CONDOLENCE HEHEHE

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.