Jose Manalo, iwas ding magkomento sa sex video scandal ng ka-tandem na si Wally Bayola

WALA SI Wally Bayola nang muling mag-taping ang games show ng GMA-7 na Celebrity Bluff kamakailan. Si Allan K ang pumalit sa kanya bilang isa sa tatlong Gangnam kasama nina Brod Pete at Jose Manalo.

Sabi ng mga nakausap naming staff ng show, absent lang daw si Wally. Hindi umano totoong pinagbakasyon muna ito sa show gaya nga rin ng pagkawala muna ng komedyante sa Eat Bulaga.

Naging isang malaking kontrobersiya ang pagkalat ng diumano’y sex video umano ni Wally at ng isang miyembro ng EB Babes. At hindi na ito mahagilap sapul nang pumutok ang tungkol dito.

Tinext namin ang executive ng Tape Inc. na si Malou Choa Fagar kung may ilalabas ba silang statement kaugnay ng isyung kinasasangkutan ni Wally. Ang reply sa amin ng Lady Boss ng Eat Bulaga… ‘No statement’.

Wala ring sinumang Dabarkads na gustong matanong tungkol sa isyung sex video scandal ni Wally. Kahit si Allan K na dati ay very accommodating kapag in-approach for an interview, todo-iwas din.

“Alam ko na ang interview na ‘yan. Ayoko!” mariing pagtanggi niya.

Kahit ang manager din ng main host ng Celebrity Bluff na si Eugene Domingo, mahigpit ang pakiusap na huwag na lang interbyuhin ito kung tungkol din lang kay Wally.

Si Jose Manalo, tumanggi ring matanong hinggil sa kanyang ka-tandem. Nakipagkuwentuhan lang ito sa amin ng tungkol sa nabubuong loveteam nila ni Eugene sa Celebrity Bluff ang nausisa namin.

“May gusto talaga sa akin ‘yon!” natawang biro ni Jose. “Pero hindi! Kabiruan ko naman talaga ‘yang si Uge, eh. And since naghahanap kami kung ano ang puwede naming gawin do’n sa show, para mas relaxed panoorin.  Hindi puro ‘yong game show na ganyan na… seryosohan.

“Ito naman, iba, eh.  Puro biruan… kalokohan. So sinubukan ko minsan. Eh, hindi rin naman alam ni Uge. Dyino-joke ko lang siya. Tapos, marami nang feedback. Na maganda raw. Kinikilig sila. Tumakbo ‘yong buong season 3 ng Celebrity Bluff na… do’n nag-umpisa ‘yon. Nagtuluy-tuloy lang hanggang itong nasa season 4 na kami.”

May nabuo nang grupo ng fans sila ni Uge na may banners pang dala-dala kapag nagpupunta sa taping ng Celebrity Bluff. Ito ang mga supporter ng nabuong tandem nilang JoGe (pinagsamang Jose at Uge). Ano ang pakiramdam niya na… magka-loveteam na nga sila ni Uge at may fans club pa?

“Binayarang lahat ni Uge ‘yon!” biro na namang reaksiyon ni Jose.

“Pero nakakatuwa! Nakakatuwa. Kasi akala nila, totoo na, eh,” na may romantic angle na talaga sa kanila ni Eugene. “Salamat sa kanila.  Masarap na may sumusuporta.”

Single si Eugene. Wala rin daw karelasyon si Jose ngayon. Kaya puwede na ‘yong biruang ligawan nila ni Uge ay mauwi sa totohanan?

“Hindi. Sa edad niya, kukuha siya ng mas matanda sa kanya. Walang magkakagusto kay Uge na bata!” biro na naman ni Jose. Ako kasi, may batang magkakagusto sa akin. Mukhang bata pa ako.”

Bakit nga zero ang kanyang lovelife ngayon? “Huwag muna. Pahinga muna.”

May pinaplanong pelikula sana para sa kanilang dalawa ni Eugene. May script na nga raw. Pero hindi niya alam kung bakit naudlot. “Pero looking forward pa rin ako na magkasama kami ni Uge sa isang pelikula.”

Ano kaya sa palagay niya if ever na may kissing scene din sila gaya ng ibang nagiging magka-loveteam sa movie?

“Ang pangit! Kami ni Uge, magki-kissing scene? ‘Di ba?” natawang sabi ni Jose. “Si Uge, puwede mong pahalikin sa guwapong lalaki. Na ‘yong mga nagiging leading man niya. Cute tingnan ‘yon!”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Jose Manalo, iwas ding magkomento sa sex video scandal ng ka-tandem na si Wally Bayola

Leave a Reply

Your email address will not be published.