Jose Manalo, ipinagtanggol sa pagpapabaya sa mag-iina

Jose-ManaloHINDI PINALAMPAS ng kampo ni Jose Manalo ang paratang sa TV host/comedian na hindi raw ito nagpapadala ng pambayad sa tuition fee at iniwan niya ang pamilya dahil may ibang babae?

Kung si Jose Manalo ay talagang hindi magsasalita, lalo’t kapakanan ng kanyang mga anak ang malalagay sa hindi magandang pangyayari.

Ayon sa kampo ni Jose, pinayagan daw ni Jose ang TAPE, Inc., ang producer ng Eat Bulaga na ibawas na sa kanyang kinikita ang gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Pero ang pera ay idinidiretso ng TAPE na ibayad sa school na pinapasukan daw ng mga anak ni Jose.

Bukod sa tuituin fee, patuloy pa rin daw ang pagpapadala ng sustento ni Jose sa mga anak para sa mga pangangailangan ng mga bata at hindi totoong pinababayaan na sila ng TV host/comedian.

Sinabi pa raw ng kampo ni Jose na sinusunod nito ang pagbibigay ng lahat ng suportang itinakda ng hukuman.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Jose Manalo, ipinagtanggol sa pagpapabaya sa mag-iina

Leave a Reply

Your email address will not be published.