Jose Manalo at Wallly Bayola, takot nang mag-concert!

 

 


WINNER SINA
Wally Bayola at Jose Manalo sa kategoryang Duo/Group Concert Performer Of The Year sa katatapos na 4th PMPC Star Awards For Music kamakailan. Ito’y para sa matagumpay at nakakaaliw nilang concert na A Party For Every Juan. Kasama nilang nominado rin ang Pop Girls (PPop Explosion), Side A (In The Company Of Side A), The Company (In The Company of Side A), at XLR8 (PPop Explosion).

“Siyempre na-overwhelmed kami. Masaya kami ni Jose,” ani Wally nang makausap namin sila ni Jose right after ng awards night.

Dahil sa award na napanalunan, magtutuluy-tuloy na ba ang kanilang pagiging concert performer?

“Hindi, ah!” natawang sabi ni Jose. “Hindi. Ang ano namin, baka kung puwede last na ‘yon. Tama na. Nakakatakot po. Nakakatakot. Pero baka by next year daw, meron ulit kaming concert ni Wally. Pero hindi pa namin sigurado.”

Ano pa ang ibang pinaplano nilang gawin ngayon?

“Sa Eat Bulaga pa rin kami,” sabi ni Wally. “Sa All For Juan, Juan For All pa rin,” pagtukoy niya sa bayanihan segment ng Eat Bulaga na umiikot at namimigay ng papremyo sa kung saan-saang lugar.

May pelikula rin sila, ang Ikaw Na, The Best Ka… Sa ‘Yo Ang Tondo, Akin Ang Bangkusay.

“Tapos na kaming mag-shoot. Maganda ‘yong movie,” ani Jose.

Si Solenn Heussaff ang leading lady ni Jose. Totoo bang umayaw raw siya na maka-kissing scene ito?

“Maarte ako, eh!” tawa na naman ni Jose. “Hindi. Natuto lang ako sa mga ginagawa ni Bossing (Vic Sotto), na kung hindi naman kailangan, parang… ewan ko. Parang hindi pa kami preparado sa mga gano’n, eh. Parang nakakaalangan.”

O baka naman may magsiselos kaya umiiwas siya na may maka-kissing scene onscreen?

“Hindi. Nag-artista pa ako kung may magseselos. Walang magseselos. Nanay ko, magseselos ba ang nanay ko? Wala. Hindi ano, eh… iba lang ‘yong style na kasi kapag pelikula, pangit ‘yong komedyante tapos may maganda, halik-halikan. Kung mapapanood natin si Bossing, bihirang-bihira na magkaroon siya ng kissing scene sa movie. So, mas maganda ‘yong gano’n.”

Matapos ang paghihiwalay nila ng asawa niyang si Annalyn, nananatiling loveless pa rin daw si Jose hanggang ngayon.

“Zero balance!” nangiting sabi nga ni Jose. “Zero ngayon. Pahinga muna.”

Na-trauma siya na magkaroon ng panibagong karelasyon?

“Oo! Kaya pahinga muna.”

Si Wally naman, enjoy raw na kapareha na si Pokwang sa pelikulang pinagbibidahan nila ni Jose. Kumusta ba itong katrabaho?

“Napakasaya. At napakabait niya. Napaka-maalalahanin. Alam mo, tumaba nga kami. Kasi mahilig magluto si Pokwang. Mag-asawa ang role namin sa pelikula. Wala kaming kissing scene. Normal na kasi ang halikan. So ang ni-request ko, rape scene!” natawang biro pa ni Wally.

Bukod sa pelikulang katatapos nga lang nilang i-shoot at sa regular nilang pagho-host for Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga kasama si Paolo Ballesteros, meron din silang regular show sa TV5, ang Jose & Wally Starring Vic Sotto.

Iba talaga ang tandem na Wally & Jose. Ano nga kaya ang sikreto ng magandang kumbinasyon nilang dalawa?

“Siguro ‘yong sipag lang,” ani Wally. “Sipag. Tiyaga. Gano’n lang.”

Nakabibilib talaga ang solid na chemistry nila bilang comic duo.

“Sikreto ‘yan ng Eat Bulaga,” sabi naman ni Jose. “Para kaming magkakaibigan do’n. Kaya kahit nasaan kami, dala-dala namin ‘yon, eh. Tapos ‘yong… basta maayos lang ang pagsasama bilang tandem. Nagkakasundo sa lahat ng ideas. ‘Yong mga ganon. Na kapag gusto ng isa, gusto na rin ng isa. Wala nang kokontra.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Jose Manalo at Wallly Bayola, takot nang mag-concert!

  1. Bakeeet walang nag comment dito,,, kasi  ang yayabang mag aasta ng dalawang ito, parehas namang panget, kung di lang kayo nadadala ni Vic Manyakis Sotto x rapist ni Pepsi Paloma.. Eh sino ba kayo na mga mukhang itlog. Lalo na si Jose na parang iskombro ang pagmumukha. Isama na natin si Tito “Speech Copier” Sotto. Tanda na sumasali pa sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published.