Joross Gamboa, sigurado sa kanyang gender kaya ‘di takot mag-bading

Joross-GamboaMUKHANG MARAMI ang naiintriga sa movie na I Love You, Thank You na ang bida ay si Joross Gamboa at fiinalist sa Filipino New Cinema, a section of World Premieres Film Festival.

Go LGBT, dahil nga ganap na bading ang papel dito ni Joross. At sabi nga ni Joross, marami na siyang natutunan kung ano ba ang nagaganap sa mga bading.

“Naguguluhan din ako. Hahaha!”

Sabi nga , kapag sigurado ka sa iyong gender ay wala kang ikababahala at si Joross nga ‘yon. Nakailang beses na rin kasi siyang gumanap na bading. Ibig sabihin, isang tunay na aktor, at walang itinatago, tulad ng iba.

Go, go, go LGBT, at hinuhulaang magna-number 1 sa box office ang pelikula.

MARAMI PONG salamat sa lahat ng mga naging bahagi ng 2nd PMPC Celebrity Badminton Tournament. Last Sunday, June 7, nga ay nagananap ito na sinaksihan ng mga artistang naglalaro ng badminton. Maraming salamat kina Glydel Mercado, Angelu de Leon, Ynez Veneracion, Sophia Andres, Ali Forbes, Ana Capri, Joyce Ching, Dominique Roque, Ogie Diaz, Mark Tevin, Brenda Arcangel, at marami pang iba.

At siyempre, sa mga sumuporta sa amin para maitawid ang said tornament. Alam n’yo na po kung sinu-sino kayo. Mga tunay na nagmamahal sa PMPC kaya naging successful ang event.

Sa susunod pong muli.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleNyoy Volante, mas karapat-dapat na nanalo sa talent show
Next articleSharon Cuneta, bakasyon agad pagkatapos mag-judge sa talent show

No posts to display