Joross Gamboa, napulitika sa serye kaya ‘di natuloy?!

NAKAUSAP NAMIN si Jorros Gamboa kamakailan kung saan tinanong namin siya kung totoo ba na dapat ay kasama siya sa seryeng Bukas Na lang Kita Mamahalin, pero hindi nga siya natuloy dahil pinalitan daw siya ni rayver Cruz para sa nasabing role.

May usap-usapan din na si Cristine Reyes daw ang humi-ling na alisin si Joross at palitan ito ng boyfriend. Lumalabas tuloy sa balita na mukhang napulitika raw si Joross sa nangyari.

Inamin sa amin ng aktor na kinumpirma na nga sa kanya ng manager na si Noel Ferrer ang tungkol dito at nakarating na rin sa kanila ang rason ni Cristine na hindi pa ito handang makasama siya ngayon sa isang trabaho. Pinagtatakhan nga lang ng aktor ang rason ni Cristine, dahil nagkatrabaho na sila dati Your Song at sa Eva Fonda at nagbabatian sila ‘pag nagkikita. Kung kaya’t ‘di niya maintindihan kung bakit sinabi nito na hindi pa ito handang makatrabaho siya.

Nabalita dati na naging mag-boyfriend sina Cristine at Joross. pero agad din namang klinaro sa amin ng aktor na hindi naging sila ng aktres. Masa-sabing mag-MU dahil girlfriend din niya ng mga panahong iyon si Roxanne Guinoo.

Sa tanong namin kung may plano ba siyang kausapin si Cristine, wala ang isinagot sa amin ni Joross, kung saan naniniwala siya na maaari pa itong pagsimulan ng mas marami pang intriga at magkaroon pa ng ilangan.

Bukas pa rin namang makatrabaho ang aktres kung may iaalok sa kanyang proyekto na kasama ito, sini-guro sa amin ni Joross na walang magiging problema sa kanya lalo’t wala naman siyang maituturing na kaaway sa showbizness.

 

GUSTO NAMING batiin ang buong casts, production people, ang Viva Films, Direk Nuel Naval, sina Anne Curtis, Andi Eigenmann at Derek Ramsay dahil patuloy na pinipilahan ang pelikulang A Secret Affair. Naka-20 miilion ito sa first day at patuloy na pinipilahan sa takilya. Puro positibo ang feedbacks sa pelikula, kung saan halos lahat ay nagsasabi na malayo ito sa No Other Woman, ‘di tulad ng inakala ng iba.

Bukas naman ang simula ng pagsasa-ere ng The Amazing Race Philippines, kung saan ang host ng nasabing show ay si Derek. Sa nakaraang presscon ng TARP, pormal na ipina-kilala ang 11 kalahok na matapang na hinarap ang lahat ng mga matitinding challenges na ibinigay sa kanila. Mapapanood pagkatapos ng Wil Time Big Time sa Kapatid network, sobrang hirap at effort din ang ibinigay ng actor/TV host sa reality game sahow, kung saan halos ‘di na siya umuuwi sa bahay dahil sa dami ng mga lugar na kanilang inikutan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Joross Gamboa, napulitika sa serye kaya ‘di natuloy?!

  1. Piliin ba naman ang talentless na RC over proven actor na si Joross?? Diba nakakahiya CR? Desperada much to get your bf a job. Nakikisabit nalang ganon? hahahaha!

  2. WALANG KWENTA mas priority ng abs pasikatin ang dating starstruck avenger na si paolo avelino kaysa sa homegrown na scq finalist na si jorosss!!!!
    ok lang daw say ni lj reyes magastos kc magpalaki ng anak nila ni paolo.
    oo naman teh…

Leave a Reply

Your email address will not be published.