Joross and mom like to scold reporters

NALOLOKA ANG ILANG katoto sa mommy ni Joross Gamboa dahil tinawagan ang ilang reporters na nagsulat na inili-link ang aktor sa producer ng indie film na Pasang Krus.

Ayon daw sa ina ni Joross, nakakasama raw sa wholesome image ng anak ang pagkaka-link ng binata sa kanyang producer bukod pa sa may boyfriend pa ito, baka isipin daw na manunulot ang aktor.

Nakarating na rin sa producer ang reaksiyon ng ina ni Joross kaya dapat daw na tantanan na ang isyu, dahil hindi naman totoo at hindi rin makatutulong sa promo ng pelikulang prinodyus niya.

Ang nakakalokang parte, sinita raw ni Joross ang isa sa mga nagsulat kung bakit pinarating pa sa producer ang reklamo ng ina, nakakahiya raw.

Kaya ang comment ngayon kina Joross at sa mommy niya, “mag-ina nga sila, pareho silang naninita ng reporters.”

NAALIW KAMI SA TV project na Bandida dahil pawang starlet na ngayon ang pinagpipilian ng creative department ng unit ni Business Unit Head, Enrico C. Santos.

Pareho kasing tinanggihan nina Angelica Panganiban at Cristine Reyes ang role dahil nga panghapon daw ito considering na nanggaling ng primetime ang dalawang aktres. Lumalabas kasing na-demote sila.

At dahil lahat ng type ng grupo ni Enrico ay hindi feel ang nasabing project, pawang starlet na lang ang pinagpipilian ngayong para sa title role na Bandia, tulad nina Wendy Valdez na nakitaan ng improvement sa acting sa I Love Betty La Fea, Janna Dominguez dahil biglang uminit ang pangalan sa pagkaroon ng tatlong sasakyan courtesy daw ng rich boyfriend at napapanood sa Parekoy, Valeen Montenegro dahil maganda at malakas ang personalidad ,at Regine Angeles dahil palaban at sexy raw sa Tayong Dalawa.

Hindi pumasa sa audition sina Megan Young dahil pangkontrabida raw ang aura at parang lampa ang dating. Si Niña Jose ay masyado raw malaki sa screen at malamlam ang mukha. Si Iya Villania naman na interesado rin sa role, pero hindi naman dumaan sa audition, kaya paano siya mapipili.

At ang nakakalokang comment kay Iya, “hindi siya bagay sa Bandida, wala siyang followings.”
Kung kami ang tatanungin, mas bagay sina Valeen at Regine bilang Bandida dahil hindi pa gasgas ang mukha nila at may lalim silang umarte, huh? Bukod dito, maganda ang rehistro nila sa screen, bagay na pagnanasaan ng mga kalalakihan, wanna bet?

NANGHIHINAYANG ANG LOYAL fans nina TJ Trinidad at Kristine Hermosa na tinawag nila ang kanilang grupong TJ-TINNERS dahil malabo na raw palang magtambal ang dalawa after ng Prinsesa Ng Banyera.

Galit ang fans ng dalawa at sinisisi ang ABS-CBN dahil hindi raw tinupad ang pangakong may follow-up serye sila after ng Banyera.

Nagpadala na raw sila ng e-mails sa mga bossing ng Dos, pero naging bingi raw ang mga ito at hinayaang makalipat si TJ sa GMA-7 kung saan binigyan kaagad ng challenging role sa seryeng Zorro ni Richard Gutierrez na airing na sa Lunes, March 23.

Ayon sa TJTINNERS, “sana hindi pinabayaan ng ABS-CBN na makalipat si TJ, kung ganu’n din lang, sana lumipat na lang si Kristine sa GMA para magkasama sila, TJ-TIN kami forever.”

Malabong mangyari ang gusto ng fans dahil kaliwa’t kanan ang project na ngayon ni Kristine sa ABS-CBN tulad ng Maruja with Derek Ramsay, Dahil May Isang Ikaw with Jericho Rosales at movie project sa Star Cinema.

Going back to TJTINNERS, “bale wala naman kami sa ABS, eh. Better na huwag na ring suportahan ang shows nila kung wala rin lang si Kristine, kaya Zorro ang susuportahan namin, pasensiyahan na lang.”

by Reggee Bonoan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.