Jordanian National, Kulong sa Pananakit sa Asawa

SWAK SA kulungan ang isang Jordanian national matapos sapakin at sabunutan ang asawa na hindi agad nakauwi ng bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Slight Physical Injury in relation to Violation of Women’s and Their Children’s si Jalal Hassan Mahmoud, 56, ng Pedrical St., Karuhatan ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang asawa ng suspek na si Amal De Dios Mahmoud, 28, ng nasabing lugar, kahapon ay may nakatalo siya sa parlor na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Sumunod sa kanya ang asawa at matapos maayos ang gulo ay naunang umuwi ang biktima subalit tumuloy sa kanyang tatay.

Dakong alas-10 ng gabi, umuwi ng bahay ang biktima karga ang 3 taong gulang na anak na babae subalit sinalubong ng sapak ng suspek.

Sinabutan pa ng suspek ang biktima at nang makakawala ay nagsumbong sa mga barangay tanod na naging dahilan upang dakpin at dalhin sa presinto ang una at sinampahan ng mga nasabing kaso.

 

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.