Jordan Herrera, pinerahan lang si Janelle Jamer?!

IS IT TRUE na kaya raw hindi pa mai-close ang negotiation between GMA-7 and Cesar Montano, e dahil ang gusto ng ilang mga Kapuso executives, magkaroon muna ng trial period of sort para sa aktor? Na tipong kailangan muna niyang mag-guest bilang support sa mga home grown talents ng GMA-7 para subukan kung tanggap pa rin siya ng televiewers ngayon?

Kung ganu’n, parang ganito siguro ang pinagdaraanan ng veteran actress na si Maricel Soriano dahil as of the moment e, sumusuporta muna siya sa mga cast ng Pilyang Kerubin.

Siguro, nadala na rin ang GMA-7 sa padalus-dalos nilang pagdedesisyon noon nang kinuha nila si Claudine Barretto at binigyan pa ng VIP welcome only to end up na hindi masyadong nagre-rate ang kanyang drama series. E, hindi nga natin masisisi ang GMA-7 management kung nag-iingat na sila sa kanilang mga dealings sa mga veteran actors lalo na’t galing sa kabilang channel.

Pero in fairness naman kay Buboy, hindi naman matatawaran ang galing niya bilang aktor, not to mention kung paano niya nagampanan nang mabuti ang kanyang character noon sa historical movie na Rizal.

Kaya lang, ilang beses na rin namang napatunayan na hindi porke magaling, beterano at sikat e, kakagatin din ng televiewers at makatutulong sa rating games sa TV, ‘di ba?

Kunsabagay, ganu’n talaga sa TV. Sabi nga sa cliché, you are only good as your last episode.

‘KATAWA TALAGA ANG kuwento ng lovelife nina Janelle Jamer at ni Jordan Herera.

Paano ba naman, nag-split na sila at nag-away pero gaya ng ibang mga celebrities e, walang aminan na naganap. Kung kailan nagkaroon ng problema, ngayon lang lumalabas ang tunay na relasyon ng dalawa.

Hindi kasi du’n nagtatapos ang love story ng dalawa dahil napagbibintangan ngayon si Jordan na siya ang dahilan kung bakit nagsara ang restobar na negosyo ni Janelle sa may bandang Timog.

Ang sabi pa, nautangan daw kasi ni Jordan ng malaking halaga ang TV host at malaking part ng kadatungan na ‘yon e, pera ng negosyo ni Janelle. Kaya hayun, umaga’t hapon daw umiiyak ang dating co-host sa Wowowee.

Ewan lang namin kung ang dahilan ng kanyang pag-iyak e, ang split-up nila ni Jordan o ang pagkasara ng kanyang negosyo. He-he-he!!!

Kasi naman si Janelle, hindi nakinig sa mga nag-a-advice sa kanya noong hindi pa nagtatagal ang relasyon nila ni Jordan, kaya ngayon, nagmumukmok ang hitad gaya ng mga nangyari rin noon sa mga ex ng dating sexy actor.

KILABOT NG MGA bading!

‘Yan ngayon ang bansag kay Geoff Taylor nang nag-perform siya last Wednesday sa Music Box as guest ng Basahang Ginto regular na si Sofia Halabi.

Paano ba naman, habang nagpe-perform at humahataw sa stage ang Are You The Next Big Star winner e, walang ginawa ang versatile celebrity kundi ang lumapit sa table ng mga bading. Kung hindi nga raw nagkakamali ang mga bumilang e, limang beses siyang lumapit sa table kaya laglag ang mga panty ng mga kapatid sa federasyon. Hek-hek-hek!!!

In pernes naman dito kay Geoff, huh! Performer talaga ang hitod kaya nakapanghihinayang naman kung hindi siya mabibigyan ng magandang break ng GMA-7.

Sana naman, mabigyan pa siya ng mas malaking exposure sa Party Pilipinas dahil ‘yon naman ang kanyang forte, ang makipag-rock-rock-an!

Para que pa siya naging winner ng Are You The Next Big Star kung hindi siya bibigyan ng magandang break para maging big star, hendehvah? Esep-esep mga Kapuso!

For reaction, please e-mail mediatouch2000yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

8 thoughts on “Jordan Herrera, pinerahan lang si Janelle Jamer?!

  1. WWHATTT!! BABALIK SI YABANg???@#$%^&*@#!!!!!?????!
    Beware ABS CBN, isang Certified Jinx si Willie, like si Villar, Roxas, kahit si Rico Puno natalo sa eleksiyon dahil sa kanya, in millions talent fee ni Yabang sa mga taong to, and who can forget Stampede Tragedy, etc. etc….
    79,500 petisyoner na galit kay Willie Revillame, ang counting high: http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly

  2. paano ba namang hindi mahuhuli sa balita eh nakikipag dyug dyugan sa car WAHAHAHAHAHA!!! di man lang kumuha ng motel, sa kotse na inabot ng L. BWAHAHAHAHA!!!!

  3. kayo pala ang bopol eh, kaya nga ang tanong ng writer ay “is it true?” kasi hindi nga siya sigurado..tsaka ang mga article dito late na kung lumabas noh, kaya bago pa lumabas ang parazzi, ay updated na ang kashowbizan

  4. may katok itong writer na ito..huli sa balita dapat makibalita siya bago magsulat gago rin talaga itong taong ito.bat naging writer siya..marami naman mga bupol ng writer dito..

Leave a Reply

Your email address will not be published.