Stars Candid: Jordan Herrera, kakambal ng intriga

Kung pagpatol sa bading ang pinag-uusapan, sa kung anong ikot ng stars,eh, ’tila yata laging pasok ang pangalang Jordan Herrera diyan. Kunsabagay, sino ba naman ang hindi maglalaway sa kabigha-bighani n’yang kaguwapuhan at katawan?

Rumehistro ang pangalang Jordan Herrera nang maging endorser siya ng Rexona. Pagkatapos, napabilang siya sa grupong Powerboys na kinabibilangan ng mga hunk at sexy actors.

Pagkatapos gumawa ng mga pelikulang —- , nanamlay ang karir ni Jordan. Muli itong umingay nang siya ang tanghaling kampeon ng Mano-Mano o boksing ng mga stars.

Sa kasalukuyan, may kinakasama na si Jordan at mayroon na ring supling. Pero sa kabila nito, ’tila kakambal na niya ang isyu ng pagpatol sa bading, at kahit anong deny, laging isinisingit ang kanyang name.

Sa interview nga ni Ogie Diaz sa kanya, pinabulaanan niya ang intriga na natapos nang maging chappy bigla ang linya. Hmmm…ano ba talaga Papa Jordan?! Pumapatol ba o hindi?! May booking nga ba o wala?! Sabagay, ba’t naman aaminin kung meron at lalong ba’t aamin kung wala, hindi naman totoo…?

Stars Candid
by Mayin de los Santos
Parazzi Wires Photos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.