Jopay says Rochelle tarnishes Sexbomb’s reputation?

NAIYAK ANG STAR ng grupong SexBomb na si Rochelle Pangilinan habang nagpapaliwanag sa kinasadalakan niyang controversy recently sa Boracay. Magdamag daw siyang hindi nakatulog bago dumating sa presscon ng 22nd season ng Daisy Syete, ang Kambalilong, last Monday.

“I feel bad, kasi nasasaktan ako sa mga naririnig ko na sinasabi ng mga tao sa akin, sa SexBomb, pagkatapos ng incident. Lumuwag lang ang dibdib ko after ng mass dito,” lahad ni Rochelle.

First time daw na na-involved si Rochelle sa ganyang gulo kaya ipinaglalaban niya ang kanyang sarili. Wala raw siyang ginawa, pero ang pangalan niya at ng SexBomb ang nada-drag. Kaya nag-sorry si Rochelle sa iba pang members ng SexBomb at sa manager nila na si Joy Cancio.

Nag-stay raw overnight sa presinto ng Boracay ang kaibigan nila na si Mitch Villanueva na nambato sa mukha ni Joshua Formentera.

“Yun naman talaga ang dapat. Walang nakaligtas kahit sinong tao.

Aminado rin naman siya. Sinabi niya sa akin, ‘Heto natuto ako. Sabi ko pa sa kanya, ‘Mahal ka ng Diyos. Kinatok ka Niya. Nagpakatok ka naman. At nakinig ka sa Kanya.’ So, tingnan na lang natin ang susunod, kasi pauwi pa lang sila ngayon at kung ano ang sasabihin ni Mitch sa isyu na ito.”

Samantala, pagkatapos magbida ni Rochelle sa huling season ng Daisy Syete, ang sinasabing mahigpit na karibal niya sa Sex Bomb na si Jopay Paguia naman ang bida sa Kambalilong.

Naniniwala naman si Jopay na kaya nina Rochaelle at Aifa ang kontrobersiyang kinasangkutan nila.

“Actually, hindi natin maiiwasan ‘yan. Kumbaga, unang-una hindi naman sila ‘yung naghahanap ng gulo. Sila ‘yung nilalapitan ng gulo. So, hindi ko sila mabi-blame. Ang akin lang, ang maipapayo ko lang, next time, ingat. Konting ingat. Kasi hindi lang naman ang sarili nila ang masisira kundi ang buong grupo,” diin ni Jopay.

Anyway, sa Bacolod nag-spend ng Holy Week kasama ang boyfriend niya at dating member ng sikat na dance group din na si Joshua Zamora. Four years na sila ni Joshua at inamin ni Jopay na napag-uusapan na nila ang kasal.

“Kasal siya, pero annulled na. Ang alam ko, ha?” Sabi ni Jopay na may show sa Klownz Quezon Avenue on April 30 kasama ang SexBomb Dancers a pinamagatang “PDA Scholars Meet the Sex Bomb Dancers with Jopay.”

Makakasama ni Jopay for the first time ang PDA champion ng second season na si Laarni Lozada, ang PDA season 2 sensation na si Bugoy at si Ronnie Liang. Plus, ang mahusay na stand-up comedian, na pinuri-puri ni Jon Santos na pinakamahusay ngayon, na si Kim Idol.

Pinag-isipan na raw ni Jopay ang magpakasal kay Joshua any moment now.

“Twenty six na ako, e. Career? Nand’yan lang ang career. Ang edad, umaakyat tayo, e. Kumbaga, we’re not getting any younger. Ano, pera-pera na lang ba? Paano ang family mo?”
‘Yun na!

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

4 thoughts on “Jopay says Rochelle tarnishes Sexbomb’s reputation?

  1. magandang sagot yan – family muna. tama, andyan na ang career diba? nakaipon ka na naman. mabait ka, hindi ka suplada saka galante ka pa, ang dami2 mong pinakain nung nakita kita sa tiendesitas kasama pati mga alaga mo.

  2. feel nman ni jopay sikat na sikat p ang SEXBOMB ms sikat n nga sknila ang EB BABES @ ASF DANCERS. kla mu nman kgalingan xa! hmfp!!

  3. what happened to joshua zamora?
    diba naging PASTOR pa nga yan si christian
    church na victory (yata)? tapos ngayon
    nagka-girlfriend habang may asawa,
    nagpa-annul ng kasal …
    parang nakakalito lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.