Jopay Paguia, iniwan ni Joshua Zamora dahil sa sulsol ng ibang tao!

SA WAKAS, NAGSALITA na rin ang ex-SexBomb girl na si Jopay Paguia sa real score sa kanila ni Joshua Zamora. At habang idinidetalye nito ang masaklap na ending ng kanilang relasyon, hindi nito napigilang umiyak sa sobrang sama ng loob. Very honest nitong sinabi na isang buwan na silang hiwalay ni Joshua, at si Joshua raw ang may gusto nito. Marami pa raw kasi itong gustong gawin sa kanyang buhay, mga plano sa kanyang future na gusto nitong magkatotoo at hindi kasama sa kanyang plano si Jopay, kaya niya kinalasan.

Pero sa loob ng isang buwan na silang magkahiwalay, hindi pa raw masasabi ni Jopay na naka-move on na siya totally. Pero pinipilit daw nitong maka-move on para sa kanyang sarili, kaya mas gusto nitong nakasubsob sa trabaho para mas madaling makalimot.

“Okey naman ako, pero hindi ko masasabing naka move on na. Pero nandu’n ako sa process na magmo-move on pa lang.”

Totoo bang may third party involved sa hiwalayan ninyo ni Joshua?

“Third party? Naririnig-rinig ko ‘yan, pero sa tingin ko wala naman. Alam ko kasi, hindi ‘yun ‘yung pinagtalunan namin. Hindi ko naman sinabi na okey lang kung meron, pero siyempre may mga babae na talaga namang nanggigigil kay Josh, kaya hindi ko masabi na hindi ko maiwasang magselos dahil babae rin ako. Pero walang third party sa pagkakaalam ko, at sa pag-uusap namin. Ibang issue ‘yung naging problema namin kung bakit kailangan naming magkaroon ng space at maghiwalay muna.”

Anong message ang gusto mong iparating kay Joshua?

“Siguro ingatan niyang masaktan ang puso niya. Baka masaktan siya one day, hindi ko kasi kaya na masaktan siya, masasaktan din ako. Hindi ko kakayanin baka mapaaway ako. Tsaka kung saka-sakaling makikinig siya sa ibang tao, sana alamin niya kung ikabubuti ba ng buhay niya. Sa nangyari kasi sa relasyon namin, parang hindi niya sinunod ang desisyon niya, kundi iba ‘yung nagdesisyon para sa kanya,” umiiyak na pagtatapos ni Jopay.

 

FROM GREENHILLS, INILIPAT sa Quezon City (Sgt. Esguerra cor. Scout Bayoran) ang TJ’s Bar and Restaurant (TJ means Tita Jojo na tawag sa kanya ng mga pamangkin) na nagbukas last 11-11-11 na pinaniniwalaang triple luck na pag-aari ng mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez at ng kanyang malapit na kaibigang si Bobby Casuela na isang flight attendant.

Inilipat daw ni Ms. Sylvia at Bobby ang TJ’s sa QC para mas malapit sa showbiz lalo na’t nasa QC ang dalawang higanteng TV networks ang ABS-CBN at GMA-7.

“Inilapit ko talaga sa taga-showbiz ang TJ’s kasi maraming nagri-request. Open din ‘yung restaurant for events, madali akong kausap,” ayon kay Ms. Sylvia.

Good food ang hatid ng TJ’s sa lahat ng kakain sa kanilang restaurant na si Ms. Sylvia mismo ang nagluluto ng ilan sa kanilang binabalik-balikang specialty, katulad ng laing at kare-kare na ipinatikim sa amin ni Ms. Sylvia na sobrang sarap. At good services naman ang hatid ng mga laging nakangiting tauhan ng TJ’s Bar and Restaurant.

Ito raw ang pinagkakaabalahan ni Ms. Sylvia sa tuwing may bakante siyang oras at walang taping. Ibinalita rin ni Ms. Sylvia na after magtapos ng Iglot ay may bago siyang proyekto kung saan balik-ABS-CBN siya kabituin sina Empress Shuck at Ejay Falcon, sa Magunaw Man ang Mundo, na early next year ipalalabas. Pero mapapanood pa rin siya sa number 1 teen show sa bansa, ang Tween Hearts.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Jopay Paguia, iniwan ni Joshua Zamora dahil sa sulsol ng ibang tao!

Leave a Reply

Your email address will not be published.