Jopay Paguia at Joshua Zamora, pinagtawanan lang ang ‘buntis’ isyu! – Lolit Solis

BONGGA ANG TIM Yap dahil siya lang ang pinagbigyan ni Hayden Kho na magpa-interview sa GMA-7.

Nagsalita pa naman daw sila na never silang magbibigay ng istorya sa GMA-7 at hindi ito tutuntong sa Kapuso network, pero heto ka, ‘day! Dumating si Hayden sa taping ng bagong showbiz talk show ni Tim Yap kasama sina Mr. Fu at Sam YG para sagutin ang mga isyu niya lalo na itong attempted suicide na idini-deny naman nila.

Hindi lang daw niya matanggihan si Tim Yap dahil bestfriends sila at doon pa nga dinala ang Christmas gift niya sa host na ‘yun.

Siyempre, alam n’yo naman kung gaano kagaling magsalita ni Hayden at kung anong charm meron siya kaya parang kapani-paniwala ang lahat ng mga sinasabi niya.

Hindi lang niya type pag-usapang masyado ang tungkol sa isyung suicide attempt dahil nahihirapan itong sagutin at i-deny ang totoong nangyari.

Basta nagkasakit lang daw talaga siya at nagtataka raw siya bakit may mga ganu’n nang balitang naglabasan.

Hindi rin daw niya ako itinuturing na kaaway kaya wala raw siyang puwedeng sabihin laban sa akin.

Balak daw niya ngayong mawala muna sandali at magmumuni-muni para mapag-isipan nang husto kung ano ang gagawin niya sa kanyang buhay.

Gusto raw niyang lumayo muna sandali at mapag-isa dahil sobrang nadadamay na raw si Dra. Vicki Belo na hindi naman dapat.

Ewan ko lang kung mapalayo sa kanya sandali si Vicki, eh, ang alam ko magkasama pa nga silang nagbakasyon sa Bohol.

Nu’ng Lunes lang sila dumating mula Bohol at tumuloy na ito sa interview niya sa Tweetbiz.

Kung napanood n’yo ang panayam sa kanya sa Tweetbiz sa QTV 11 kagabi, meron pa raw kasunod iyan at baka abutin pa hanggang bukas kasi mahaba ang interview sa kanya nina Tim at ang iba pang co-host at paparazzi ng bagong showbiz talk show na ito.

Abangan n’yo na lang at baka madala kayo sa charm ni Hayden.

PINAGTAWANAN LANG PALA ng magkasintahang Jopay Paguia at Joshua Zamora ang lumabas na isyung dalawang buwang buntis daw itong miyembro ng Sex Bomb.

Natawa si Joshua nang nakausap ito ng Startalk dahil lagi naman daw nababalita si Jopay na ganu’n pero hindi naman.

Wala naman daw problema kung buntis ito dahil nandiyan naman siya para panagutan ito pero wala pa raw ito sa plano nila dahil marami pa silang gustong mangyari sa kanilang career.

Sabi naman ni Jopay, baka iyung sinasabi nilang buntis ay ang mangyayari sa kanya sa Daisy Siete dahil mabubuntis daw siya rito sa kuwento.

So, publicity lang pala ito para mapag-usapan ang Daisy Siete? Okay go!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Jopay Paguia at Joshua Zamora, pinagtawanan lang ang ‘buntis’ isyu! – Lolit Solis

  1. ginagawa nilang biro ang PAGBUBUNTIS? ang kapal ng mukha ng mga hayop na ito pati isang bagay na napakaselan at sensitibo ginawang isyu para mapagusapan ang show na para sa mga moret! pagnabaog si jopay hindi na balita yon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.