Jopay Paguia at Joshua Zamora, nagkakalabuan na?! – Joey Sarmiento

MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ng isang Kapuso talent sa kanyang home grown network. Kapapanalo lang ng award ng naturang talent at may dahilan kung bakit ganu’n ang kanyang nararamdaman sa network na kanyang pinagtatrabahuhan.

Ang mga shows ng naturang talent ang isa sa mga nagpapasok ng pera sa kabang-yaman ng istasyon. Isa siya sa mga loyal stars ng GMA-7. Pero bakit hindi ‘yata binibigyan ng GMA-7 ng importansiya ang acting awards na kanyang napapanalunan?

Parang deadma lang ang Christian Network at mas busy pa sa star search na kanilang ipinapalabas ngayon. Dapat sana, e, bigyan din nila ng importansiya ang mga stars na loyal sa kanila.

Dahil du’n ay pinag-uusapan tuloy ang naturang network ng kanilang mga artista. Ganu’n daw ba talaga ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan? Wala raw ba talagang puso ang network na nagmamalaking may malaking puso?

Hindi na kami magtataka kung makakakita ng kasikatan ng araw ang artistang tinutukoy namin sa ibang network kapag nagtuluy-tuloy ang pande-deadma sa kanya ng mga executives ng Kapuso… getz?

TRUE BA ‘YUNG balitang tuluyan nang nagkahiwalay sina Jopay Paguia at Joshua Zamora? Na muntik na raw magkasagutan nang todo ang dalawa sa taping ng kanilang My Shuper Sweet Lover dahil sa pinagseselosan ng dating Maneuvers Dancer?

Naku, kung totoo man ito, e, naka-panghihinayang dahil taon na ang binilang ng kanilang relasyon. Hindi nga ba’t kasal na lang ang kulang sa dalawa?

Hay, sa showbiz talaga, mahirap magtagal ang isang relasyon lalo na’t puno ng intriga…. pwamis!

SI SUNSHINE DIZON ang pinakamagandang babae nang gabi ng parangal sa PMPC Star Awards for TV kaya deserving siyang magwagi bilang Face of the Night nu’ng gabing ‘yon. Unlike other stars, halatang pinaghandaan at ginastusan ni Sunshine ang gabi ng parangal para maging glamorosa kaya naman nakuha niya ang award para du’n.

Congrats din sa kanyang 4th acting award bilang Best Actress in a Single Performance para sa kanyang pagkakaganap na tomboy sa isang teleseryse sa GMA-7. Hands down ang karamihan sa industriya sa kanyang pagkakapanalo. Walang reklamo.

Magaling na aktres si Shine. Wala na siyang dapat pang patunayan pa at sana nga, makabalik ulit siya sa primetime TV dahil sayang naman kung buburuhin ang isang prized talent na tulad niya.

Pero teka. True kaya ang nabalitaan naming iba na ang manager ni Shine at hindi na ang GMA Artist Center? At true din ba na may pag-uusap na nagaganap between Mommy Dorothy Laforteza at Tita Cory Vidanes ng channel 2? Just asking lang naman pow!

ONCE AGAIN, IPINALIWANAG ni Katrina Halili na hindi siya nagsasayaw sa beerhouse. Ang kanyang pagpunta sa Frenzy Hot Models Resto Bar, West Avenue, sa gabi ng December 5 ay para makisaya sa kanilang grand opening. Appearance at picture taking with guests ang gagawin ni Kat sa naturang restobar.

Kasama rin ni Katrina si Bangs Garcia na magpapasaya sa mga guests. Si Bangs, may hinandang tatlong production numbers na siguradong magugustuhan ng mga bisita sa gabing ‘yon.

Si Gwen Garci dapat ang orig na kasama ni Katrina para makisaya sa event na ‘yon pero dahil merong malubhang karamdaman ang dating Viva Hot Babe, e ,hindi na siya tutuloy sa okasyon na ‘yon.

Kaya para sa mga fans nina Kat and Bangs, kitakits na lang po.

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

12 thoughts on “Jopay Paguia at Joshua Zamora, nagkakalabuan na?! – Joey Sarmiento

  1. hay naku kaya ayaw bigyan ng importansya

    kasi pasaway talaga

    ayaw nila mawili

    dati may show sya sa tanghali nagpictorial na at lahat eh nagkasakit din sya di ba? napunta kay Camille Pratts o kahit hidni loyal si Camille di ba?

    tapos noong sa GABI show nya ni hindi sya nagkasakit di ba? all about EVE

    o tapos ano naman?

    eto tanghali na naman sa sa kalagitnaan ng soap ano naman nangayari sakanya?

    o nagkasakit na naman

    sa dinadami ng show nya sa GMA from UNANG HIRIT at dapat star struck o ano now? naisingit pa sya agad sa CHIKA MINUTE kahit nasa bansa naman si PIA G>

    malakas si SUNSHINE sa GMA kaya ganun

    pero nitong huli medyo napuno na siguro pero despite that why pirma pa rin sya contract dito?

    dahil alam nya na mas MA TETENGGGA sya sa ABS kunglilipat sya dito maswerte na abutin sya ng 2 years na may work tapos tiyak ZERO na.

  2. bias ata ang pmpc kasi lage na lang sya ang win…last year ganyan din may padrona ata ang ina na jan!!!! wala naman ka latoy latoy yung acting nya, walang pinagbago ganon na ganon parin, pareparehong atake…..award giving body jan sa pinas wala ng credibility!!!!

  3. sus! nag-iinarte na naman si sunshine!..sisihin nya sarili nya sa hindi pagpapahalagang ginawa sa work na iniwanan nya..kapal ng mukha magtampo, papano naman yung nga trabahador sa likod ng kamera na binitinbitin nya??..papano nga pamilya nila na umaasa sa kakarampot nilang suweldo??…maibibigay ba ni sunshine sa nga maliliit na trabahador ang araw na sinayang nya??…naisip nya ba nga pamilya nito??..She is a self centered bitch!

  4. nag iingay na naman ang mga daisy siete casts, laglag na kasi sa ratings!

    sunshine, just stay in gma kahit magaling ka pa kung hindi ka naman magbabago!

    katrina, buti pa magsayaw ka na lang sa beerhouse dyan ka naman magaling, di ba?

  5. ganyan naman ang mga artista pag may name na ng konti mg inarte na pero noon mag umpisa pa lang kahit ano handang gawin….lumaki na ang ulo. akala mo kung sila lang may karapatan ng work.

    marami pa namang bago na mas may talent at magaganda pa. kaya yong mga ganyang tao sana wala ng kumuha sa kanila para matauhan. at marunong sila mg pahalaga sa mga work nila.

  6. si SUnshine Dizon

    sus ikaw ba naman na my show tapos biglang mawawala diba sya dapat sa starstruck at hindi si Izza calzado tapos sa unang hirit dami nya trabaho ano ginawa nya, sus

  7. hwag sanang magkamali ang kapamilya network na kuhanin si sunshine o kahit si jolina.
    mas mabuti pang ung mga bagong artists na lang ang kanilang hasain at me mga future naman e2 gaya ni erich at maja.
    sila lang dalawa sa ngayon sa abs ang pwede pumalit balang araw kina juday at claudine.

  8. publicist ka ba ni sunshine? kay shine ang may problema dahil nagsakit sakitan na naman gaya last year! kakarenew lang daw ng another 2 years ni sunshine sa gma bakit di mo alam yan ha?

  9. Blind item: Sunshine Dizon na nanalo nang best actress award. Dedma ang GMA7. Mabuti pa ang ABS-CBN at may interview siya. Ganda niya nang gabing iyon. Ipinalabas pa sa SNN. Kaya siguro laging second fiddle ang GMA7, walang kalatuy latuy pag dating a kanilang talents.

    • d kba nagba2sa ng balitao nano2od daw…cno ba nmn ang ga2nhan sa isang artista na sobrang pagpa2halaga ang gingawa ng network pra magkatrabaho tpos bi2tinin..nbalitaan mo ba ung ginwa nya sa serye na sya ang bida?cno ang nagsuffer sa kaekekan nya?dba ang production staff na walang sweldo kpag alang taping?
      tpos ngayon magiinarte sya na hindi sya napa2nsin…sya ang gumwa ng ikasa2ma ng career nya.
      she has given an opportunity ilang beses na dapat pinhalagahan nya yon dba? dhl at least sya may work ung iba nga bumubuka2 na sa tv at mag wala prin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.