Jopay Paguia, 2 months buntis?! – Morly Alinio

HINDI MAIWASAN NI Pokwang ang sumama ang loob kaya noong makausap namin siya kamakailan sa Power Plant ay nag-open-up ito sa tunay niyang nararamdaman kaugnay sa sinasabing nagsasalita siya ng pangit sa mga movie press na kanyang naabutan ng token.

“Siyempre tao lang ako at nasasaktan ako sa mga naririnig at nababasa ko lalo na kung hindi naman totoo dahil alam ko sa aking sarili na hindi ko iyon ginagawa sa mga kaibigan natin sa showbiz. Alam naman natin sa simula’t simula pa lang ay kung gaano na sila kalapit sa aking puso at never kong gagawin iyon lalo na sa mga taong alam kong nakatulong sa akin nang malaki. Kung hindi dahil sa kanila ay wala naman ako ngayon dito sa aking kinalalagyan.” Madamdaming pahayag ni Pokwang.

Samantala, kahit masama ang loob ni Pokwang sa ilang movie press na patuloy na naninira sa kanya, hindi pa rin daw titigil si Pokwang sa pagtulong sa mga taong alam naman daw niyang hindi galit sa kanya.

“Ang masasabi ko lang ay salamat, salamat sa mga ginagawa nila sa akin dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi rin ako magiging malakas ngayon sa mga ganitong intriga.”

Kilala raw ni Pokwang ang mga taong naninira sa kanya pero hindi raw siya magsasalita ng masakit laban sa mga ito. “Basta kung gusto nila akong lapitan, nandito lang ako,” pagtatapos pa ng aktres.

MARAMI ANG NAIIRITA kay Krista Ranillo sa ngayon dahil sobra siyang arte na akala mo ay walang katapusan na ang kanyang “kasikatan.” Kasikatan na natamo lang naman niya nang ma-link kay Manny Pacquiao. Kung anu-ano kasing drama ngayon ni Krista na kesyo hindi magsu-shoot kapag may reporter sa paligid na kesyo hindi pa niya kayang sagutin ang mga intriga sa kanya. Naku, tigilan nga niya ako dahil sa totoo lang, noong hindi pa siya natsi-tsimis kay Pacman ay nagkakandarapa siyang magpa-interbyu sa movie press. Tigilan nga kami ng babaeng ito na ang feeling ay mas sikat pa siya kina Sharon Cuneta at Vilma Santos. Dapat alalahanin ng babaeng ito na kung walang Manny Pacquiao na na-link sa kanya, nungkang tangkain siyang kausapin ng movie press nang walang kasamang sobre. Naku, magtigil siya.

Sa totoo lang naloloka kami sa drama ngayon ni Krista. Nababaliw kami dahil puwede naman siyang magsalita tungkol sa kanila ni Pacman pero parang aliw na aliw siya nagpapaka-misteryosa.

“Naku, kaya ganyan siya para lalo siyang pag-usapan. Kasi kung magsasalita nga naman siya, e, ‘di tapos na ang issue sa kanila ni Manny, e, ‘di tapos na rin ang libreng publisidad?”

Ay  oo nga naman, Kaya hindi nagbibigay komento ngayon si Kirsta ay dahil takot itong matapos agad ang libreng publisidad sa kanya. Hay… ang mga artista nga naman!

DALAWANG BUWANG BUNTIS si Jopay ng SexBomb. Ito ang usap-usapan ngayon kung kaya’t tinangka naming kausapin ang kanyang manager na si Joy Cancio pero napudpod na’t lahat ang daliri namin ay never na sumagot sa aming text at kol si Joy.

Kung paniniwalaan ang balita, kaya iwas nang magsalita ngayon si Joy sa kanyang alaga dahil may katotohanan ang balitang nagdadalang-tao ito at siyempre courtesy ng boyfriend nitong si Joshua.

Base sa nakalap naming balita, galit na galit daw si Joy kay Jopay dahil matapos pagkatiwalaan ito na magbida sa bagong season ng Daisy Siete, heto at bigla na lang nagpabuntis.

“Sayang ang batang iyan dahil sa totoo lang siya na sana ang next to Rochelle, kaya nga’t ngayon ay nagbibida na siya mga programa ng Siete.” Pahayag iyon ng isang taong malapit sa dalagang mananayaw na ngayon ay sinasabing dalawang buwang buntis.

Kumpirmado at solido ang paglalahad sa amin ng aming source na totoong buntis si Jopay na lalo pang nagpatindi sa aming isipan na siguro nga ay totoo dahil ang kanyang manager na si Joy Cancio ay nagsalita ng “Buntis si Jopay!” Pagdidiin ng aming kausap na may ngiting hindi namin maintindihan kung bakit.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

15 thoughts on “Jopay Paguia, 2 months buntis?! – Morly Alinio

  1. SANA MAG DISCOVER NA SI JOY CANCIO NG NEW SEXBOMB DANCERS,MUKHA NA KC 30 PLUS NA YUNG MGA DANCERS NIYA FOR NOW SA EAT BULAGA,PAKAPALAN NLANG SILA NG MAKE UP!IN SHORT DINA FRESH LOOKING,MGA MUKHANG PUYAT!

  2. Ang ganda ganda nyang si Jopay nun mga early years ng Sexbomb. One of the most pleasant faces in the group to look at.

    Ngayon mukhang WASTED.
    Parang drug addict!

  3. o ung homewrecker na c krista?inalagaan pa ng ABS tas ginawan pa ng appearance sa MAY BUKAS PA..mas masahol pa un kesa sa buntisan na yan..

    • So what kung mag guest si Maricar at Krista sa MAY BUKAS PA???? bakit may pinipili ba si BRO kung sino ang pwedeng mag guest sa Show nya?????

  4. lyk maricar reyes like krista ranillo.. (pinpatahimik ng abscbn, pra lalong pg-usapan at mcurious ang tao, pgbi2dahin s may bukas pa, ayan pa-unti unti la2bas s mga shows ng dos.) wats new?!!! haaaahaahahha!!!!
    STYLE BULOK!!!!

    • so what naman kung hindi sila magsalita sa issue? mas marami pa nga ang humanga kay Maricar Reyes dahil hindi sya nagpaapekto sa intriga sa kanya at ngayon mas napansin na magaling pala sya sa acting,,, IKAW naman masyadong bitter…. magsalita man o hindi sila may pintas ka pa rin.

  5. Re: Anonymous,
    Cguro perpekto kang tao at di ka mapanghusga at di kailan man nagkasala sa mata ng Diyos? God bless kafatid!

    • did i say i’m perfect? kahit sabihin ko na i’m perfect who would even mind i’m not a public figure, she is! kaya alagaan ang image nya, huwag ganyan. married na nga ang bf nya before although annulled na pero magpabuntis pa without “kasal”! ilan na ba ang nabuntis sa gma na walang kasal… is that a contest in their network she’s willing to join? bwahahaha!

  6. ang galing talaga nang mga kapuso sa “buntisan” out of wedlock, bilib na ako! and to think na “christian station” sila! tsk tsk tsk

    • @Anonymous bakit nabaling sa kapuso ang issue ng buntisan??? Binabalik mo nanaman ang kapamilya laban kapuso. Kung alam mo lang maraming taga ABS at GMA na magkaibigan at magbarkada. Natatawa lang sila sa mga katulad mong die-hard sa paboritong istasyon. Wag ka rin mapanghusga ng kapwa…kahit Christian, Protestant, Muslim, INC ay nagkakasala rin (katulad natin). At tama rin si miss transpinay – huwag lang laglagan…mas BAD yun. Peace

  7. dapat iboycott ng press ang mga event na involve si krista. masyado na mayabang ang pamilya nya. tignan nyo na lang ung ginawa ni suzette ranillo kay bianca king. hay naku! iwasan na natin pagusapan si krista, after all, isa lang naman syang no name na starlet.

Leave a Reply

Your email address will not be published.