Jonalyn Viray, iiwan na ang La Diva para mag-solo

SA MGA labi mismo ng Teen Diva na si Jonalyn Viray na magso-solo na siya at iiwan muna ang kanyang grupong La Diva. Naka-focus nga raw ito sa kanyang solo album, ang Jonalyn Viray under Creative Media Entertainment.

Kuwento nga nito nang kamustahin namin, “Doing good! ‘Yung carrier single kong “Nakita Kang Muli” na ginawang themesong ng Koreanobela sa GMA Primetime na Padam Padam.

“And may isa pang themesong du’n, ‘yung “Help Me Get Me Over”, ginamit naman din siya for My Husband’s Lover, one of the themesongs doon. So, magkasundo nilang naririnig ‘yung kanta ko sa GMA Primetime.

Ibig bang sabihin sa success ng solo album mo, tuluy-tuloy na ba ang pagkalas mo sa La Diva?

“As of now, naging busy ako sa aking solo album, tapos may gagawin din akong solo concert this year, parang doon din ang direksiyon. At least parang marami akong nagagawa.”

Nagsimula ba ‘yan nang paghiwa-hiwalayin kayo ng group sa Sunday All Stars?

“Oo, pinaghiwa-hiwalay muna kami for this Sunday show, although hindi kami sinabihan eh, na ganu’n ‘yung mangyayari sa amin. Parang pinaghiwa-hiwalay kami, may kanya-kanya kaming team.”

So, parang may something na bago na mapanood sa amin kaya ginawa nila ‘yun. Pero may mga pagkakataon pa ba ngayon na kumakanta kayo as a group? “Oo, meron pa naman, sa mga events sa labas.

Pero mas gusto n’yo na ba na may solo-solo gigs kayo? “Actually ngayon, mas marami ‘yung solo gigs namin.

“Like ako, naka-focus ako sa pag-promote ng album, tsaka sa mga concerts,” pagtatapos ni Jonalyn.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Jonalyn Viray, iiwan na ang La Diva para mag-solo

  1. good move na iwan mo na yang la diva at magsolo na lang, TEKA NGA SINO BA ULIT SI JONALYN VIRAY ANO BA YUNG LA DIVA

Leave a Reply

Your email address will not be published.