Jon Avila, nagpabinyag ng anak?!

NAGULAT DIN KAMI sa chikang nagpabinyag daw ng anak niya si Jon Avila. Ang alam namin, may non-showbiz girlfriend si Jon, pero hindi namin alam na may anak na siya. Nakaabot na pala ang chikang ito kay Vice Ganda, pero wala naman siyang guts na itanong kung may katotohanan nga ang chika kay Jon mismo.

Niliwanag ni Vice na hindi na rin siguro niya business na alamin pa ang personal na bagay na ‘yun dahil magkaibigan lang naman sila ni Jon. Katulad din ito ng “pagmamahal” na iniukol niya kay Kean Cipriano ng Callalily. Nagsimula ang mga panunuksong ito nang sina Jon at Kean ay magkahiwalay na naging hurado sa Showtime.

Naging ka-text na palagi ni Vice si Jon since then, at aminado naman siyang crush niya ito. Si Kean naman, na-evict na’t lahat bilang hurado ay patuloy pa ring nagte-text kay Vice at sa ibang taga-Showtime. Nagyayaya pang gumimik.

Ang dalawang lalaking ito’y mapapanood din sa first ever concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum, ang “May Nag-text… ‘Yung Totoo… Vice Ganda sa Araneta”. Tiyak na nakakikilig daw ang participation ng mga ito sa concert, at kahit na bigyan pa ng ibang kulay, ang mananaig palagi ay ang pakikipagkaibigan ni Vice sa mga ito.

Pero, kung bibigyan daw ng leading man si Vice para sa pelikula, gusto raw niya ay si Enchong Dee. Natawa nga siya nang pamiliin siya at ang nasabi niya ay ang pangalan agad ni Enchong. Pero, kung sa nababaitan daw siya at sa tindi ng dating, gusto raw sana niyang makatrabaho ay si Diether Ocampo.

ANO BA ITONG si Willie Revillame? Napikon sa mga patutsada at naisusulat diumano ng kaibigan naming si Jobert Sucaldito laban sa kanyang show. Isa raw sa grabeng kritiko niya si Jobert, pero ang hindi na niya matagalan ay ang paninira raw ni Jobert sa Wowowee na may kinalaman sa pagge-guest ng mga pumasang-awa, o yaong mga may grade na line of 7.

Sa totoo lang, ang ipinupunto lang naman ni Jobert ay parang nagse-send yata ng maling values ang Wowowee, na kahit pasang-awa ang isang tao, cool lang ito. Okey lang. Pagkakakitaan pa ng pera. Napanood din namin ang episode na ito, pero isa lang ito sa mga episodes ng Wowowee na ikinaiirita naming ikinatutuwa pa ang mga bagay na mali at dapat ay kinokorek, hindi sa ganoong paraan, at on national television pa.

Ito ang dapat pinag-iingatan ng mga show na gaya ng Wowowee dahil napakarami pa namang kabataang nanonood nito. ‘Tapos, mapipikon si Willie, at maghahamon na kung hindi tatanggalin ng ABS-CBN si Jobert sa network bilang co-host ng The Buzz o announcer sa radio program nito sa DZMM, siya raw ang aalis sa Wowowee.

Ano ‘yun? Napaka-childish. At ano ang tingin niya sa sarili, amo siya ng mga taga-ABS-CBN na mauutusan niya at mape-pressure para matanggal sa trabaho ang sinumang hindi niya magustuhan? Lumalabis naman yata ang kayabangan niya.
We’re writing this as another media person.

Maliit lang si Jobert kung ikukumpara sa kanya, at ayon ‘yun sa tingin niya, kaya nagsasalita siya ng ganoon? Naku, ha!

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

9 thoughts on “Jon Avila, nagpabinyag ng anak?!

  1. it’s true na may anak na si john baby girl and she turned 2. kamukha niya and the child’s name is angel, name ng ex girlfriend is sharon na dating make up artist ng abs cbn. They’re living in makati sa may dian palanan, dun sila nag rerent ng studio type apartment, dati laging pumupunta si jon doon pero now di na masyado. The building type apartment is infront of the studio of mocha girls, unit 203 siya.

  2. Vote for whom your mind and heart dictate. Dont’ believe in surveys because they are there to mislead YOU.

    DON’T VOTE FOR NOYNOY AQUINO. HE IS A FRAUD.

    GOD SAVE THE PHILIPPINES AND THE FILIPINOS.

  3. i luv wowowie host dati pa…pero sa inasal nya i hate him..masyado cyang immature.di na cya naawa ky jobert na work nya ang bread n butter nya.buti cya maraming pera.at napakayabang na nya..nakakahinayang cya..pro sobra na ang sama ng ugali nya..lumalaki ang ulo…!yon lng po ang opinyon ko.

  4. very well written, archie! sana panindigan ni willie ang sinabi nyang sya ang aalis pag hindi tinanggal si jobert… magaling manghiya yang si willie pero pag sya ang pinuna, PIKON!

  5. DOON SA NAGSABI NA WALANG BAYAG SI VILLAR, PARA MONG KINAIN ANG SARILI MONG TAE.

    BETWEEN VILLAR AND NOYNOY ABNOY, MAS WALANG BAYAG SI ABNOY. PATULO-TULO LANG NANG LAWAY AT PAHAPLOS-HAPLOS LANG NG TIYAN, AT PAHITHIT-HITHIT LANG NG YOSI. PARASITE YANG SI ABNOY. NAGDEDEPENDE LANG SA IBA PARA MAKAKAIN. WALA PA SIYANG NAABOT NA NAGGALING SA SARILI NYA. PPURO GALING SA HACIENDA AT SA PORK BARREL. ANG HACIENDA PAG-AARI NG GOBYERNO ANG PORK BARREL GALING DIN SA GOBYERNO. EH DAIG PA ANG WELFARE NITONG SI NOYNOY ABNOY, MILYON MILYON ANG KABIG.

    TUNGKOL SA NANAY NI VILLAR, AT LEAST BUHAY PA SYA. GUSTO NIYANG TULUNGAN ANG ANAK, BAKIT HINDI. EH YUNG MGA MAGULANG NI NOYNOY ABNOY NA MGA FAKE HEROES, EH INU-UOD NA SA ILALIM NG HUKAY AY PAULIT-ULIT NA KINAKALADKAD SA CAMPANYA. DAHIL WALA SIYANG SARILING IPAGMAMALAKI. YAN ANG TUNAY NA WALANG BAYAG.

  6. Bakit yung mga issue ng corruption kay villar ang sumasagot yung nanay nyang sobrang tanda na at yung anak nyang pacute hehehe ngayon nagtatago namn sa press

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? walang bayag hehehe

  7. mas maganda kung ma-campaign ninyo na mapatalsik ng tuluyan si yabang sa wowowee, kayang kaya ni pokwang dalhin ang wowowee. Napanood mo ba iyong isang episode na pinangalandakan pa niya na sa kanyang sariling bulsa galing ang P50K at P5K lang iyong sa ABS-CBN. Ilang beses niyang binanggit iyon sa isang episode na tungkol sa mga OFW na kababalik lang.
    O kaya totohanin niya ang sinabi niyang mag-re-resign siya kapag hindi tinangggalng ABS si Jobert.

Leave a Reply

Your email address will not be published.