Jon Avila, madalas sa bahay ni Vice Ganda?!

HOW TRUE NA nakikita sa bahay ni Vice Ganda itong si Jon Avila?

Ang tsika, may mga times daw na nasa-sight ang beauty ni Vice Ganda na kasama si Jon. Hindi lang daw isang beses na nakita ang hunk actor model sa bahay ng sikat na sikat na stand-up comedienne.

True ba ito, Vice Ganda?

Anyway, noon pa man ay aminado na si Vice Ganda na crush niya si Jon. Very vocal siya sa pagsasabing talaga namang malakas ang dating sa kanya ng hunk actor.

Kung trulili man na nagpupunta sa bahay niya si Jon, wala naman sigurong masama roon. May masama ba sa pakikipagkaibigan?

Still on Jon, rumampa raw ito one time sa Dolce Bar sa may Tomas Morato sa Quezon City. He was with two friends, one guy and one girl na parehong model ang dating. Hindi pa raw sila nagtatagal sa place ay may mga lumapit na girl at gustong magpakuha ng picture with Jon at magpa-autograph na rin. Naka-smile naman daw ang aktor na game na game sa pagpo-pose.

Kaya lang, after an hour, hindi na nakita ang beauty ni Papa Jon. Isang oras lang silang nagtagal sa bar.

Bakit kaya? Nainis ba si Jon at ang daming nagpa-autograph at nagpa-picture sa kanya? May iba pa kaya silang lakad ng gabing iyon? Which is which Papa Jon?

HOW TRUE NA break na sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo?

Ang sinasabing third party raw sa hiwalayan ng dalawa ay si Robin Padilla na parang ang hirap namang paniwalaan.

Inamin ni Robin na crush nga niya si Mariel at happy siya na nakasama niya ito sa Wowowee. Pero, hindi naman siguro to the point na liligawan ni Binoe ang dalaga dahil I’m sure alam naman niyang may boyfriend na ito.

Imagine, two weeks pa lang si Binoe sa show ay kaagad na siyang natsismis kay Mariel na co-host niya sa noontime show. Kaloka, ‘no?!

Ang tsika, super selos daw si Zanjoe kay Binoe kaya naman naghiwalay na lamang sila. ‘Yan ang tsismis, ha? True kaya ito? Parang ang bilis naman ng mga pangyayari.

Anyway, knowing Mariel, tiyak na magsasalita naman ito kung totoo ngang break na sila ni Zanjoe. Si Mariel pa!

Hanggang Friday na lang si Robin sa Wowowee. Kapag nagpatuloy ang tsismis sa kanila, tiyak na hindi lang pang-publicity ang tsika sa kanila.

Matagal nang magdyowa sina Mariel at Zanjoe at marami na silang pinagdaanan sa kanilang relasyon. Hindi kaya ito ay isang pagsubok lamang sa tatag ng kanilang relationship?

BLIND ITEM: KUNG totoong ginamitan ng masasakit na salita ng isang direktor ang isang young actor nang minsan itong ma-late sa taping, parang hindi naman tama iyon. Ang masakit pa rito, malaswa raw ang binitawang salita ng direktor kaya naman masyadong foul iyon. Iyon ay kung totoong ginamitan nga niya ng malaswang salita ang binatilyong aktor.

Tama ang ginawa ng manager ng aktor na sinugod ang direktor. Ke bago-bago pa lamang niya sa network ay kung sino na siya kung umasta. Isa pa, bagets ang tinalakan niya, isa ‘yong uri ng child abuse, alam ba niya iyon?

Ang mga direktor ngayon,

akala mo kung sino kung makasigaw. Parang hari ba ang turing nila sa kanilang sarili?  Masyadong feeling ang ganitong direktor!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJericho Rosales, Bagong Member ng Alcoholic Gang?!
Next articleEnchong Dee, mas bagay makipagsampalan kaysa makipagsuntukan?!

No posts to display