Jon Avila, dinenay na niligawan si Rufa Mae Quinto

AKALA NI DIREK Dante “Nico” Garcia ay magtatanim na lang siya ng kamote sa Palawan matapos niyang gawin ang  Ploning para kay Judy Ann Santos.

“Emote moment ko lang iyon na agad natapos dahil ipinakipaglaban na naman ako ni Juday para idirek siya sa Oh My Girl! for Regal Entertainment.  Eto kasi ang tunay na ako, avid fan ni Chaning Carlos at Roderick Paulate. Makikita n’yo ang influence nila sa akin kapag pinanood n’yo ang pelikula. Maalaala n’yo si Roderick noong mga panahon ng Petrang Kabayo at Kumander Gringa. Krung-krung na krung- krung ako. Promise ko rin na hindi kayo manghihinayang sa panonood ng Oh My Girl dahil masusulit ang pamasahe, ibabayad n’yo sa sine pati pambili n’yo ng popcorn,” aniya.

“Masarap ding magtrabaho kapag walang limitation ang budget at creativity, lalo’t nakatanim sa utak ko na ngayon pa lamang ay nagkaroon na ako ng chance to work for Mother Lily. Not everyone gets this privilege at hindi ko ito sasayangin. Naramdaman ko na may lugar ako sa mundong ito ng showbiz at hindi na nga siguro ako babalik sa amin sa Palawan para magtanim na lang ng kamote,” dagdag pa niya.

Sang-ayon naman sina Juday at Ogie Alcasid sa bawa’t sabihin ni direk Dante. “Kung paano ako naghirap para itawid ang Ploning, ganu’n ako ka-relax dito sa  movie. Kung hindi pa po ninyo alam ay idea ito ni Ogie na isinabmit kay Mother. Masyadong tiwala si Ogie sa project na ito kaya’t okey lang sa kanya na wala pa siyang downpayment sa story, script at appearance niya. Alam daw niyang babawi siya sa bonus kapag na-showing na ito dahil times 3 ang tutubuin niya,” say ni direk Dante.

NALULUNGKOT  MAN Si Juday dahil hindi na siya nakatitiyak ngayon na makakabuo  sila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ng panganay nila ngayong taon, higit marahil ang panghihinayang ni Ryan.

Sa himig ng boses ni Noel (Ferrer), manager ni Ryan, sa tindi ng sked ni Juday, mai-stress ito. Si Ryan, Talentadong Pinoy lang ang iniwan niyang sked (at ang sitcom nilang George and Cecil) for ABS, pero, si Juday, hanggang 10 years pa yata ang commitment. Meaning, hindi malaman kung kailan talaga sila makakapag-concentrate sa honeymoon.

But who  knows, isang matinding tama lang kay Juday ay posibleng makabuo na rin sila ni Ryan, God willing!

DINAMAYAN NAMAN SI Juday ni Ogie dahil pitong taon na silang magkarelasyon ni Regine Velasquez,eh, wala pa rin silang baby. Hinihintay pa rin nilang ma-annul ang kasal ni Ogie kay Michelle Van Eimeran samantalang sa Australia ay divorced na sila. Magpapakasal na nga ang ex-wife niya sa boyfriend nitong si Mark Murrow very soon.

“My only consolation, eh, nahanap ko na ang hinahanap ko. Pareho na kami ni Juday na secure with our own partners,” tanging nasabi ni Ogie.

HINDI NAKAKATIYAK ANG Bullchit kung basta na lang palalampasin ni Rufa Mae Quinto ang ipinahayag ni Jon Avila na hindi siya nanliligaw dito habang ginagawa nila ang isang project noon sa Viva Films.

“Hindi talaga,” ulit pa ng bagong leading man ni Juday. Kahit ‘yung ibang nabalita noon na niligawan din daw niya  ay dinenay din ng machong actor. “Sana huwag silang magalit. Hindi ko kasi ma-focus ang sarili ko sa pakikipagrelasyon ‘coz gusto ko munang may mangyari sa career ko. Being paired with Juday is my biggest break. Kung hindi nila ako tinulungan ni Ogie, siyempre, maiilang ako. Ang lalaking names na nila. Hindi nga ako makapaniwala na papayag si Juday na ako lang ang maging partner niya.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Jon Avila, dinenay na niligawan si Rufa Mae Quinto

Leave a Reply

Your email address will not be published.