Jomari Yllana, may nililigawan sa Quezon City Hall?! – Ogie Diaz

OY, HA? ANO ‘tong narinig namin na meron na raw bagong apple of the eye ngayon itong si Jomari Yllana? Nagtatrabaho raw sa city hall ng Quezon City. Ewan kung staff ni Bistek ito o ni Mayor Belmonte.

Aba, in fairness, malapit lang ba ang office nito sa office of the Coun. Aiko Melendez, the ex-wife of Jomari Yllana?

Me gano’n?

DATI, NU’NG ININTERBYU si Manny kaugnay sa nababalitang may lihim silang relasyon ni Krista Ranillo:  “’Wag na munang pag-usapan ‘yan. Walang pakialaman!”

Ngayon na parang me mga naiipit na, ang dayalog naman ni Pacman: “Matagal na kaming magkaibigan ni Krista!  Pagkatapos ng showing ng movie namin, mahihinto na ‘yang tsismis. At sorry sa pamilya ni Krista!”

Puwede naman palang sabihin ito ni Manny, sana, noon pa niya idinayalog. Ayan tuloy, lumala na. ‘Yung iba, kahit nagdenay pa sila, hindi na rin makumbinsing maniwala sa denial nila.

SI WILLIE REVILLAME, tatakbo? Ano ‘to? Bilang Vice-President ba? Mayor ng Quezon City? O, senador?

Sa Wowowee kasi nu’ng Wednesday, panay ang pahiwatig ni Willie na, “’Pag tumakbo ako…”  “Hayaan n’yo, ‘pag ako naupo…” as what kaya?

‘Yan ang ating aabangan. Dahil ang alam namin, wala pang pambatong mayor ang Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar sa Quezon City. Si Willie na kaya ito?

Nepomuceno?

GUSTO LANG LINAWIN ni Aiko Melendez na hindi siya tatakbong konsehal o congresswoman sa District 2 ng Quezon City. Lumabas kasi sa isang news program na pinag-iisipan pa raw ni Aiko na tumakbong konsehal uli o congresswoman.

Matatapos na ang three terms as councilor ni Aiko at very firm si Aiko na tumakbo bilang Vice-Mayor.

Nakatutuwa si Santino. Habang hindi pa kinukunan ang kanyang eksena na kasama kami, tinanong namin sa kanya, “Ba’t parang puyat ka yata?”

“Nag-shoot po kasi ako ng commercial, eh!”

“Ano’ng commercial?”

“Ngee. Hindi puwedeng sabihin, madedemanda kami, Tito Ogie!”

‘Wag n’yong kakalimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.