Jomari Yllana, ayaw makialam sa gulong kinasasangkutan ngayon ni Pops Fernandez! – Pilar Mateo

MERON BANG KABANG nararamdaman si Jomari Yllana ngayong tatlo na lang silang naglalaban-laban sa Celebrity Duets nina Joel Cruz at Akihiro Sato?

Hindi nga raw makapaniwala ang aktor na siya pa ang naiwan sa mga maglalaban-laban para sa grand finals ng nasabing palabas. Although kahit naman daw nu’ng una eh, inisip niyang gagawin niya ito for fun. Nang maganap na raw na marami na naman tayong mga kababayang nasalanta pa ng bagyo sa iba pang parte ng bansa gaya ng Dagupan sa Pangasinan, nabuo nito sa sarili na anuman ang mapanalunan niya eh, buong-buo niyang ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo sa nasabing probinsiya.

[ad#post-ad-box]

Sinubukan kong tanungin si Jom tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang ex-girlfriend na si Pops Fernandez sa gulo sa isang business deal na hanggang ngayon, eh, naghahanap pa ng kasagutan dahil sa pag-aaway-away nila ng mga ka-deal niya.

Jom preferred to be mum about it. Although may nakapagsabi sa amin na noon pa ito pinaplano ni Pops talaga, pero tinutulan na siya noon pa ng aktor.

TALK OF THE town talaga ang Super na, eh, Wonder Mom pa ng Pambansang Kamao (Manny Pacquiao) na si Mommy Dionesia, na mas sanay na raw ngayong tawaging Mommy D ng kanyang mga fans!

Dalawang araw naming nakatsikahan si Mommy D. Una, para sa pelikulang Ang Tanging Pamilya (A Marry-Go-Round) na tinatampukan niya with Ai-Ai delas Alas and Joseph ‘Erap’ Estrada, at sa ikalawang pagkakataon naman, eh, sa launch TV commercial para sa food supplement na OsteoGard, kasama naman niya ang nag-i-spoof sa anak niya na si Pooh-Kyaw!

Paborito niya si Imelda Papin. Pero ang tanong niya sa mga kaharap, eh, kung buhay pa ba ito. Ito raw talaga ang idolo niya at gusto niyang maka-duet. Paboritong-paborito niya ang kanta nitong “Isa Lamang Talaga” na kanta raw niya para sa kanyang ex-husband na may iba ng asawa ngayon.

Paborito niya raw si Piolo Pascual. Pero ang hindi niya pinalalampas na panoorin sa mga soap nito sa ABS-CBN eh, si Jericho Rosales.

Si Mommy D ba talaga ang sikreto sa tuwing mananalo si Manny sa laban nito o may taglay itong anting-anting?
Sabi ni Mommy D, walang tangang anting-anting ang kanyang anak. Dahil malakas ang tiwala nila sa Panginoon.

Masasabi raw sigurong lucky charm siya ng anak dahil tuwing laban nito, kinakailangan talaga, by hook or by crook na mayakap muna niya ang kanyang anak. Ni hindi naman daw siya nanonood sa mismong venue kung saan lumalaban si Manny dahil hindi rin naman daw niya maatim ang bawat punch na dumadapo sa katawan at mukha nito. Pero basta may laban ang anak, kailangan muna niyang mayakap ito.

Kaya raw pagkatapos na pagkatapos ng premiere night ng kanilang pelikula, lilipad na siya pa-Amerika. And mind you, magsasabay sila sa flight ng kanyang ex-husband.

Ano naman ang magiging reaksiyon ni Mommy D kung kasabay rin nila sa flight na ‘yun ang bagong misis ng ex niya?

“Hindi siya kasama, ano?”

Naku, siguradong sa pagbabalik ni Mommy D after ng laban ng kanyang anak-mas marami na naman itong maise-share-dahil sigurado na ang pagkikita nila roon ng idolo niyang si Imelda Papin!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

9 thoughts on “Jomari Yllana, ayaw makialam sa gulong kinasasangkutan ngayon ni Pops Fernandez! – Pilar Mateo

  1. di ko alam dito sa 2 na to, whos really the bad influence to who? both got questionable morality, the other one is a proud mistress while the other is rebounding from one man to another, are u both not giving any damn on how your kids might be feeling knowing that their moms are acting loosely. both of u, grow up!

  2. lagot ka pops may kasalanan ka daw sa version ni pilar mateo hehehe … okey kasuhan na si dodie puno nakahanda naman daw sagutin ni dodie yon sa proper court hindi daw sa telebisyon at sa interview hehehe

  3. naku, wag naman ganyan, kawawa naman si aling dionesia, hehehe. pasalamat na lang tayo dahil sa kanya nagkaron tayo ng world champion na makaDiyos. alam naman natin kung anong klaseng hirap pinagdaanan niya.. dito na lang kayo magreact sa kwento ko………………
    sabi ni jinky pacquiao kamukha niya raw si bea alonzo, ano say nyo? hahahaha………..

      • oo nga, ako din kahit nga picture lang nya nakakatawa na,pero in fairness to her, that is her charm and she’ll go a long way provided that she’ll stay grounded.

Leave a Reply

Your email address will not be published.