Jomari Yllana at Radha ng The Voice of the Philippines, may something?

NASA AUDIENCE gallery ng The Voice of The Philippines si Jomari Yllana and cheering for Radha nu’ng Sunday na ginanap sa Resorts World. Eh, bigla kaming nag-tweet na “napaka-supportive” ni Pareng Jom ke Radha at kung sila man ay magdyowa, happy kami for them.

Hala! Biglang ang mga nababasa ng aming Twitter mentions ay “sila na ba?” “Ah, kaya pala nandu’n si Jomari?” “Mahilig talaga sa malulusog si Jom, ‘no?”

Kaya nga tinukso namin si Aiko Melendez sa Twitter na pag siya’y lalong tumaba ay alam na. I mean, na puwede na rin siyang sumali sa The Voice of The Philippines.

Hahahaha!

But honestly, maganda ang boses ni Radha, huh! Malaki ang chance niyang makasali sa top 4 kung matatalo niya sa next round si Mitoy. Mukhang matindi ‘to, kaya abangan.

At malay rin natin kung ang ending pala’y si Jomari rin ang mag-manage kay Radha, ‘di ba?

Hindi ito malayong mangyari.

 

LUMALABAS NA may pinanghahawakang video si Raymart Santiago na siya raw magpapatibay sa korte kung gaano ka-unfit mom si Claudine Barretto. Nako, ano kaya ito? Ano ang laman ng video?

Si Raymart, sa pagkakaalam namin ay hinahabol ang full custody sa mga anak, kaya panatag daw ang loob ni Raymart na positibong papabor sa kanya ang korte, sabi pa ng aming source.

‘Yan ang ating aabangan.

PINAGDIDISKITAHAN DIN ng ibang twitter followers ang mga tweet nina Claudine Barretto at ng legal counsel nitong si Atty. Ferdie Topacio sa isa’t isa.

Me isa pang nag-tweet sa amin na, “Magkarelasyon po ba sila? Kasi masyado silang sweet sa mga tweet nila, eh!”

Eh, mabuti na lang at medyo kilala namin si Atty. Ferdie, kaya ‘yung mga nababasa naming tweets niya kay Claudine ay puwede naming isiping “gano’n lang talaga si Attorney ka-sweet.”

‘Di ba, Bea Binene?

 

ALAM N’YO bang nu’ng nag-taping ang Gandang Gabi, Vice! ay talagang inayos nang bonggang-bongga ang dressing room nina Maricel Soriano (promoting “Momzillas” with Eugene Domingo) at Gerald Anderson?

Yes! That time kasi, double taping. Ibig sabihin, for two episodes ang tine-tape at magkaiba ng airing ng episode.

Eh, nagkataong that day din ang Maricel at Gerald. Para wala na lamang gulo ay sobrang lalayo ng kanilang dressing room sa isa’t isa.

Matatandaang si Maricel dapat ang gaganap na madir ni Gerald sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin na ang ipinalit nga ay si Dawn Zulueta, dahil sa aberyang nangyari sa set, dahilan para magdayalog daw itong si Gerald na hindi na gagawin ang serye kung si Maricel pa rin ang kasama niya.

Well, past is past. Mababaon din ‘yan sa limot at magkakapatawaran na.

‘Yun nga lang, saka lang maaalala ‘yan ‘pag nai-Google.

 

AND SPEAKING of Momzillas, mukhang nakaaamoy na naman kami ng blockbuster hit sa pelikulang iton nina Maricel at Eugene, dahil trailer pa lang, parang nakakatawa na siya nang bongga, lalo na’t ang box-office director na si Wenn Deramas pa ang humawak, ‘di ba?

Kaya asahan na ang pagtabo nito sa takilya, lalo na ngayong ang sad-sad ng mga utaw dahil ‘yung Sineng Pambansa ay hindi masyadong tinangkilik kahit pa puro masterpieces pa ang kalahok.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Jomari Yllana at Radha ng The Voice of the Philippines, may something?

  1. Baka maging manager na ni radha c jomari? Eh manager nga po talaga ni Radha si Jomari. kaya sya nandoon para suportahan yung alaga nya.wayback 2009 or 2010 ata un nalink na rin sila kasi parati daw nakikita makasama si jom at rafha kasi po si jomari ang producer ni marie digby kung saan si radha din ang nag-aasikaso ng concert that time. 

  2. nyahahahah   talagang…sweet.. yang si Atty. topacio..kita ninyo sa sobrang  sweet niya…ginawa niya ng Album si Claudine..nyahahah……ano kayang kapalit…he he he,,tanong ninyo kay Bea Binene 

Leave a Reply

Your email address will not be published.